Sunday , December 22 2024
Matteo Guidicelli Penduko Sarah Geronimo

Sarah Geronimo proud kay Matteo bilang si Penduko

ni ALLAN SANCON

SAMPU ang nakapasok sa taunang Metro Manila Film Festival at pasok ngayong taon ang family oriented at Pinoy fantasy film na Penduko na pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli

Four years in the making ang pelikulang ito kaya siguradong pakaaabangan ang movie dahil sa magagandang special effects at magandang istorya ng pelikula. 

Sinabi ni Matteo sa kanyang interview na isa sa very proud sa kanya sa pelikulang ito ay ang misis niyang si Sarah Geronimo.

Una kong ipinakita ang trailer kay Sarah at natuwa naman ako na nagustuhan niya ang trailer at very proud siya sa ginawa ko rito,” kuwento ni Matteo.

Kahit maraming hirap at pasa ang inabot niya sa mga fighting scene sa Penduko ay worth it naman lahat ng iyon dahil maganda ang kinalabasan ng pelikula.

Medyo na-pressure si Matteo sa Penduko dahil first time niya sa MMFF at siya pa ang bida. Pinaghandaan niya nang husto ang karakter niya rito bilang si Pedro Penduko ng makabagog panahon. Bukod sa matinding fighting scenes, may mga pa-topless din na aabangan ang mga manonood. Kaya matinding training ang ginawa ni Matteo para gampanan ang very Pinoy super hero na si Pedro Penduko.

Hindi pala dapat si Direk Jason Paul Laxamana ang original director ng pelikulang ito pero dahil hiniling niya kay Boss Vic Del Rosario na ibigay sa kanya ang pagdidirehe ng pelikula sa kondisyon na siya rin ang magsusulat ng istorya. Very proud si direk na natapos niyang maganda ang movie. At least ay hindi lang pang-romcom ang kaya niyanggawin, proud din siyang nakagawa ng dekalidad at family oriented movie katulad ng Penduko.

Makakasana ni Matteo sa pelikulang ito  ang mga batikang actor na sina Albert Martinez at John Arcilla, kasama sina Candy Pangilinan, Phoebe Walker, Kyle Verzosa, Mark Anthony Fernandez, Arron Villaflor, Andrea Del Rosario, Zombie Tugue, JC Tiuseco, Marissa Sanchez, Migo Valid, Annika Co, Tyro Daylusan, Joe Vargas, TJ Valderama, Gene Padilla, Martin Venegas, Rabin Angeles, Kurt Delos Reyes, Andrea Barrera, Jobelyn Manuel, Keagan De Jesus, Charles Law, VJ Vera, Mimi Marquez, Michael Keith, Kamille Filoteo, at Rolando Inocencio. Sa panulat at direksiyon ni  Laxamana na magsisimula nang ipalabas sa December 25, 2023. Entry ito ng Viva Films sa MMFF2023.  

About Allan Sancon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …