Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerome Ponce Krissha Viaje

Jerome Ponce nanginig sa lovescenes nila ni Krissha Viaje

ni ALLAN SANCON

MATAPOS ang massive success ng The Rain in España ay magpapatuloy ang journey ng magkakabarkada at ipinakilala na ang mga bagong bibida sa bagong University series na Safe Skies, Archer na tiyak aabangan dahil sa  bagong love story nina Yanna played by Krissha Viaje at Hiro played by Jerome Ponce.

Namangha ang mga press sa trailer ng Safe Skies, Archer dahil bongga ang mga eksenang aabangan sa series na ito. Medyo mas mature ang atake dahil sa lovescenes nina Jerome at Krissha. Natanong ng ilang press sa dalawa kung kumusta ang mga intimate scene nila at ito ang sagot ng dalawa

Tanungin n’yo po si Jerome kasi siya ‘yung nanginginig sa mga eksena namin,” ani Krissha.

First time ko kasing gagawin ang mga ganitong klaseng eksena, kaya medyo nanibago ako,” sagot naman ni Jerome.

Talagang ginastusan nang husto ang series na ito dahil bukod sa magagandang kuha sa bagong series ay kinunan ang ilang eksena sa airport.

Bukod sa mga dating barkada sa series na The Rain in España na sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Bea Binene, Gab Lagman, Aubrey Caraan, Nicole Omilio, Frost Sandoval, Andre Yllana ay makakasama rin nila rito sina Hyacinth Callado at Jairus Aquino

This is directed by Gino Santos, sa panulat ni Gwy Saludes na magsisimula ng ipalabas sa Viva Onesa Nobyembre 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …