Saturday , November 16 2024
Asian Senior Chess Championships

Chess masters Bagamasbad, Garma muling nagkampeon sa Asian Senior Chess Championships

Final Standings:

(65-and-over division, Standard event)

Gold: IM Jose Efren Bagamasbad (Philippines, 7.5 points)

Silver: IM  Aitkazy Baimurzin (Kazakhstan, 6.5 points)

Bronze: NM Mario Mangubat (Philippines, 6.5 points)

(50-and-over division, Standard event)

Gold: IM Chito Garma (Philippines, 7.5 points)

Silver: FM Rudin Hamdani (Indonesia, 7.0 points)

Bronze: GM Rogelio Antonio Jr. (Philippines, 6.5 points)

TAGAYTAY CITY — PINAGHARIAN nina Filipino International Masters Jose Efren Bagamasbad at Chito Garma ang kani-kanilang dibisyon sa pagtatapos ng 12th Asian Senior Chess Championship na ginanap noong Sabado, 21 Oktubre 2023 sa Knights Templar Hotel sa Tagaytay City.

Si Bagamasbad na nagpapraktis ng chess sa Institute of Integrated Electrical Engineers of the Philippines (IIEE) Chess Club sa Monte De Piedad Street sa Cubao, Quezon City, ay matagumpay na naidepensa ang kanyang korona na napanalunan noong 2022 at muling nagwagi para sa 65-and-over division.

Nakipag-draw siya kay Tuleubek Demezhanov ng Kazakhstan pagkatapos ng 48 moves ng English Opening gamit ang white pieces sa ikasiyam at huling round.

Nakatakdang umalis si Bagamasbad sa Lunes sakay ng Etihad Airlines patungo sa Terrasini, Italy para sa 2023 World Seniors Chess championship mula 24 Oktubre hanggang 6 Nobyembre at nakatutok para sa kanyang ikatlo at huling GM norms.

Nasungkit ni Garma, isang two-time Olympian, ang 50-and-over division title matapos makipag-draw kay Candidate Master Joseph Ebenezer ng India sa kanilang Guico Piano skirmish.

Tinapos nina Bagamasbad at Garma ang kanilang kampanya sa magkatulad na anim na panalo at tatlong tabla (7.5 puntos) sa siyam na laro.

Ibinulsa ang pinakamataas na premyo na $350, sinabi ng 67-anyos na si Bagamasbad sa media, “I’m very happy to win again, especially in an international tournament like this Asian Seniors. Maagang dumating ang Pasko!”

Ang 59-anyos na si Garma ay nanalo ng $500 cash prize matapos makuha ang titulong ito na kanyang napanalunan sa 2018 Tagaytay games.

Higit sa lahat, sina Bagamasbad at Garma, parehong nakakuha ang kanilang 2nd GM norms at libreng hotel accomodation sa 2024 World Senior Chess Championship.

Sina IM Aitkazy Baimurzin ng Kazakhstan (7.0 puntos) at NM Mario Mangubat ng Pilipinas (6.5 puntos) ang nakakuha ng pilak at ginto sa 65-and-over division.

Si Mangubat mula sa Minglanilla, Cebu ay nakakuha ng outright FIDE Master title.

Sina FM Rudin Hamdani ng Indonesia (7.0 points) at GM Rogelio Antonio Jr. ng Pilipinas (6.5 points) ang nakakuha ng silver at bronze sa 50-and-over division.

Ang Tagaytay tournament ay mayroong 18 manlalaro sa 50-and-over division at 17 player sa 65-and-over division sa weeklong event na pinangunahan ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino, Cavite Si Vice Governor Athena Bryana Tolentino sa mahigpit na pakikipagtulungan sa World Chess Federation, Asian Chess Federation at National Chess Federation of the Philippines chairman at president na si Prospero “Butch” Pichay Jr.

Samantala, sina FM Adrian Ros Pacis, NM Mario Mangubat at IM Aitkazy Baimurzin ang nagwagi ng ginto, pilak at tanso sa side event ng blitz (3 minutes plus 2 seconds increment) competition sa 65-and-over division.

Nasungkit nina GM Rogelio Antonio, Jr., IM Chito Garma at FM Carlos Edgardo Garma ang ginto, pilak at tanso sa side event ng blitz (3 minutes plus 2 seconds increment) competition sa 50-and-over dibisyon.

Ang torneo ay nasa ilalim ng gabay ni tournament director Mike Lapitan, kung saan si IA Casto “Toti” Abundo ang nagsisilbing supervising arbiter.

(MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …