I-FLEX
ni Jun Nardo
NAPASABAK sa pagkanta si Vilma Santos nang makantyawan ng anak na si Luis Manzano sa gueting ng ina sa It’s Your Lucky Day last Saturday.
Umayaw sa una si Ate Vi at sinabi sa anak na, “Pasayawin mo na lang ako!”
Sa kalaunan ay pinagbigyan ni Vi ang anak at kinanta ang ilang linya sa hit song niya noon na Sixteen.
“Proud ako sa boses ko dahil bayad! Ha! Ha! Ha!” sey pa ni Vilma.
Eh naging hurado rin kasi si Ate Vi sa singing contest segment ng show na Star Of All Seasons kahanay sila Katrina Velarde, Jamie Rivera, at Christian Bautista.
Naging emotional pa si Vilma nang magbigay ng mensahe at nabanggit ang pagiging selfless ng show at mga host.
Bahagi ng guesting ni Vilma sa promotions ng filmfest movie nila ni Christopher de Leon na When I Met You In Tokyo na mapapanood simula sa December 25.
Welcome sight na muling makita si Vilma na love sa telebisyon.