Saturday , November 16 2024
Chloe Isleta Eric Buhain
APAT NA GINTONG MEDALYA ang nilangoy ni Chloe Isleta sa pagtatapos ng Philippine Aquatics-organized National Tryouts nitong Linggo sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila. Personal na pinangasiwaan ang torneo nina Philippine Aquatics, Inc., Secretary General at Batangas 1st District Representative Eric Buhain at Chito Rivera tournament director. (HENRY TALAN VARGAS)

Isleta, Chua ratsada sa National swimming Tryouts

IPINADAMA ng pinakamatitikas na juniors at elite swimmers ang kanilang presensiya sa huling araw ng Philippine Aquatics-organized National Tryouts nitong Linggo sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Malate, Maynila.

Pinatunayan nina World Championship campaigner Chloe Isleta at Xiandi Chua ang kanilang katayuan sa swimming community habang ang top juniors na sina Michaela Jasmine Mojdeh, Heather White, at Jamesray Ajido ay nagrehistro ng maraming tagumpay bilang nangungunang contenders para sa 44-man Philippine Team na sasabak sa ika-11 Asian Age Group Championships na nakatakda sa 3-6 Disyembre 2023 sa New Clark Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Nalambat ni Isleta, ang 25-anyos na US-based at Arizona University mainstay, ang apat na gintong medalya, habang ang 24-anyos na si Chua ay nangibabaw sa dalawang events sa tatlong araw na torneo na umakit sa pinakamahuhusay na manlalangoy at atletang foreign-based ng bansa.

Kumampay si Isleta, sa ilalim ng koponan ng One Ilocos Sur Swim Team sa pangangasiwa ni dating Olympian Ryan Arabejo, at nanguna sa girls 18-over 100m backstroke (1:04.04), 100m freestyle (56.86), 200m freestyle (2:04.57) at 200m Individual medley (2:18.06), habang si Chua, ang kanyang teammate sa World tilt sa Fukuoka noong Hulyo, ay umigpaw sa girls 18-over 50m back (30.20), at 50m free (26.06).

“Natutuwa kaming makita silang sumali sa tryout. Umuwi sila mula sa US training para ipakita ang tunay na kahalagahan ng mga slot sa National Team na kailangan mong paghirapan at hindi makuha dahil seeded ka na. Itong palakasan na sistema at turuan sa pagpili ng mga atleta ang inaalis ng PSI sa pamumuno ni President Miko Vargas,” ani Philippine Aquatics, Inc. Secretary General at Batangas 1st District Representative Eric Buhain.

Ang 14-anyos na si Ajido, isang National junior record holder at two-time SEA Age Group medalist ay kabilang sa mga top tier juniors na nagningning at tumanggap ng ‘probationary’ status para sa PH team matapos dominahin ang boys 12-14 200m back (2:15.76), 100m butterfly (57.12), 200m free (2:02.68), 200m IM (2:16.01), 50m back (28.90), 200m fly (2:15.22), at 50m free (24.91).

Si White, natalo ng isa pang promising 14-anyos na si Trixie Ortiguerra sa girls 15-17 50m noong day 2, ay nakabawi sa kanyang lakas sa pagwawagi sa 50m free (27.78) laban sa pride ng Tarlac na nagsumite ng timed na 27.78. Nanalo rin ang Vietnam-based na si White sa 100m fly (1:03.48), at 200m free (2:07.75).

Tinawag na “Water Beast,” si Mojdeh, isang semifinalist noong 2022 World sa Lima, Peru ay nagtala ng tagumpay sa girls 15-17 200m fly (2:18.50), at 200m Im (2:25.52).

“Sa ngayon, probationary pa ang lahat. Ilalatag muna natin ‘yung results sa unang tryouts sa Dipolog City last two weeks, then we will come out with the official list. Target natin ‘yung World Aquatics 700 points, pero kung wala ‘yung may pinakamalapit ang kukunin natin,” ani tournament director Chito Rivera.

Ang iba pang kilalang junior tanker na nag-claim ng ‘provisionary’ status para sa National Team ay sina Miguel Barreto sa boys 18-over 200m free (1:54.02), Kyla Louise Bulaga sa girls 12-14 200m Im (2:16.01), at 400m libre (4:26.06), Arabella Taguinota sa girls 15-17 100m breaststroke (1:13.40), Chantelle Coleman sa girls 12-14 100m breast (1:19.82) at 50m breast (35.24), Kyla Louise Bulaga sa girls 12-14 200m Im (2:35.10), Joshua Ramos sa Boys 18 & Over 50m back (27.79);

Peter Cyrus Dean sa boys 15-17 50m (27.74), Kacie Gabrielle Tionko sa girls 15-17 800m freestyle (10:03.51); Philip Santos sa boys 18-over 400m Im (4:52.68); Mishka Sy sa girls 18-over 400 IM (5:18.59); Patricia Santor sa girls 400m IM (5:19.23); Aishel Evangelista boys 12-14 400m Im (4:26.06), Thanya Dela Cruz girls 18-over 50m breast (31.83) at Ashton Clyde Jose sa boys 12-14 50m breast (32.57). (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …