Thursday , December 19 2024
Eric Buhain
INIHAYAG ni Philippine Aquatics Secretary-General Batangas 1st District Representative Eric Buhain ang gaganaping national tryouts na Swim Fest Manila leg na nakatakda sa Oktubre 13-15 sa Teofilo Ildefonso Swimming Pool sa Rizal Memorial Sports Complex. (HENRY TALAN VARGAS)

NCR tryouts para sa PH Team sa Asian swimming tilt sa RMSC

NAKATUON ang pansin ng Philippine Aquatics sa kalidad at hind isa malaking delegasyon kaya’t hanap lamang nila ang 44 swimmers na bubuo sa National Junior Team na sasabak laban sa pinakamahusay sa Asya sa gaganaping 11th Asian Age Group Swimming Championship na nakatakda sa Disyembre 3- 6 sa New Clark Aquatic Center sa Capas, Tarlac.

Walong lalaki at walong babae lamang ang pipiliin sa parehong 12-14 at 15-17 age group categories, habang anim na lalaki at anim na babae lamang ang bubuo sa 18-over class, ayon kay tournament director Chito Rivera

Ang mga manlalangoy ay pipiliin mula sa dalawang Pambansang tryout – ang katatapos na Dahunog Swim Fest (para sa Visayas at Mindanao qualification) na ginanap nitong weekend sa Dipolog City at ang Manila leg na nakatakda sa Oktubre 13-15 sa Teofilo Ildefonso Swimming Pool sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex — inorganisa ng Philippine Aquatics sa pamumuno ni Pangulong Miko Vargas at Secretary-General Batangas 1st District Representative Eric Buhain.

Ang nangungunang dalawang manlalangoy pagkatapos ng pagsasama-sama ng oras na naitala pagkatapos ng dalawang tryout ang mapapabilang sa Pambansang koponan.

“The best way to select the best swimmers for the Philippine Team is through a national tryout. We did this during the SEA Age Group selection last August and the results are very satisfying. Our 18-man team won a total of 16 medals, including two golds, in that regional tournament,” sambit ni  Buhain, a swimming icon, and Philippine Sports Hall-of-Famer.

Sa Mindanao leg na natapos nitong  weekend, ang ‘provisionary status’ ay nakuha na ng mga nanalong swimmers na kinabibilangan ng SEA Age Group campaigners na sina Jennuel Booh De Leon mula sa Aklan at Jie Angela Mikaela Talosig mula sa Midsayap, North Cotabato.

Ang 17-anyos na si De Leon, gold medalist sa boys 50m butterfly (25.40) noong SEA Age Jakarta edition, ay nanguna sa boys 18 class 100m free (54.90), 50m back (26.94) habang ni-reset ang kanyang personal best sa 50m free  (24.35) sa pagkapanalo ng tansong medalya sa Jakarta sa mas mabilis na 23.66 segundo.

Dinomina naman ni Talosig, 15, ang girls 15-17 class 50m freestyle (28.45), 800m freestyle (10:00.00), 200m free (2:16.14), 100m free (1:02.34), 1500-m free (19:04.97), 400-m free (4:48.09), at 200m backstroke (2:20.66).

Ang nangungunang junior swimmers ng bansa na sina Micaela Mojdeh at Jamesray Ajido, parehong may hawak ng national junior mark, ay inaasahang mangunguna sa mga sasalang sa Manila leg tryouts simula sa Biyernes (Oct.13).

Inaasahan din na maglalaban-laban para sa mga slot para sa National Team ay ang SEA Age group gold winner na si Arabella Taguinota (100m breast, 1:13.40), at ang kapwa SEA Age medalists na sina Estifano Ramos, Clark Ken Apuada, Jalil Taguinod, Ivo Enot, Mishka Sy, at Aishel Evangelista.

Muli ring iginiit ni Rivera na ang mga Pilipinong nakabase sa ibang bansa ay kailangang sumali sa mga tryout, habang ang mga mag-aaral mula sa mga pampublikong paaralan ay walang bayad sa paglahok sa kompetisyon. (HATAW Sports)

About Henry Vargas

Check Also

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Quendy Fernandez Swim BIMP-EAGA

Fernandez, bagong sirena ng aquatics sa BIMP-EAGA

Puerto Princesa City – Humakot ng tatlong ginto si Quendy Fernandez para pangunahan ang arangkada …