Monday , December 23 2024
Kathryn Bernardo Julia Montes

Kathryn-Julia muling pinagsasabong; mga pelikula pinagkukompara

MA at PA
ni Rommel Placente

INIINTRIGA  ng netizens ang magkaibigang Kathryn Bernardo at Julia Montes ngayong magkasunod na mapapanood sa mga sinehan ang kanilang mga pelikula.

Nauna na ngang naipalabas ang pelikula ni Kathry with Dolly de “eon na A Very Good Girl na pinipilahan sa takilya. Certified blockbuster na naman ang comeback movie ni Kath at hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Susunod namang ipalalabas sa mga sinehan ang pelikula nina Julia at Alden Richards na Five Breakups and A Romance. Comeback movie rin ito ni Julia after eight years.

At dahil nga rito, pinagsasabong na naman ng netizens ang dalawang Kapamilya actress. Ang tanong ng mga basher ni Julia, malampasan o mapantayan kaya ng pelikula nila ni Alden ang movie nina Kathryn at Dolly?

May mga nagsasabi na malaking pressure ito para kay Julia dahil wala pa siya sa level ng pagiging aktres at box-office queen ni Kathryn.

Kaya naman sa guesting ni Julia sa Fast Talk with Boy Abunda, tinanong siya ni Kuya Boy Abunda kung may takot siyang nararamdaman sa pagbabalik niya sa big screen? Ang sabi niya, “‘Yung takot kasi talaga never nawala po sa akin and ‘yung takot ko nagsimula siya before doing the film. Takot ako kung kaya ko, laging ganoon ‘yung takot ko sa sarili ko.

But this time, after doing this film, meeting Alden, direk Irene (Villamor), they made me feel na pwede pala ‘yung takot na ‘yun hindi ‘yung takot na kung kaya ko.

“Takot na siya na sana magustuhan siya ng tao. Naniwala na ako sa sarili ko this time.”

Pressured nga ba siya sa movie nila ni Alden? 

Siguro po pressure siya in the sense of dahil ang paningin ng tao after nila Kathryn, kami po. But ako kasi mas proud po ako eh. Doon ako tumitingin kasi si Kathryn ‘yun, eh.

“Para akong ate ni Kathryn na every time may naa-achieve siya ako ‘yung pinakaisa sa masasaya.

“So parang imbes na tingnan ko siya as napre-pressure lang, I am proud na si Kathryn ‘yung nandoon. And kung ibe-bless kami with this film, bakit hindi? We’re happy. And Kathryn is very supportive.”

Dugtong pa niya, “After her film right now and then kami ‘yung susunod. Parang natataon nga po na lagi kami ‘yung nadidikit pero happy kami kasi ang lagi naming biro sa isa’t isa, tayo ang original love team.

“‘Nami-miss na natin ang isa’t isa, kailan tayo gagawa?’ may ganoon po kami and our bond is really special.”

Ano nga ba ang aasahan ng publiko sa movie nila ni Alden? “Siguro rito parang wala kang specific na aabangan. The whole journey of the film lahat po kasi relatable that’s why this is my fastest yes.

“Kasi when I saw the synopsis, noong nagpi-pitch sila sabi ko grabe parang I don’t know if ngayon lang ‘to mangyayari. Parang ito ‘yung pagkukuwento ng pag-ibig na hindi lang masaya ang makikita mo.

“Wala ‘yung process na puro ligawan muna and ito masaya ang moments. Ito iha-highlight po talaga ‘yung hardships niyong relationship and sometimes hindi naman talaga laging masaya lang sa relationship and iyon ‘yung magpapatatag.

“Ang main question po rito sa film is how can you fight for your love or how long can you fight for your love?” paliwanag pa niya.

About Rommel Placente

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …