MAKULAY na confetti ang sumalubong kay World No. 2 Pole vaulter Ernest John Obiena (gitna) at gold medalist sa Hangzhou Asian Games kasama sina Chiang Kai Shek College (CKSK) Board of Trustees chairman Johnson Tan (kaliwa) at president Dr. Judelio Yap sa pagbabalik sa kaniyang alma mater na ginanap sa CKSK Auditorium nitong Biyernes, 6 Oktubre.
Nagtapos ang seremonya sa pagkakaloob ng mga pabuya kay Obiena ng P3 milyong incentives mula sa CKSC Board of Trustees na pinamumunuan ni Johnson Tan, nagkaloob ng P3 milyon; CKSC alumnus Carlos Chan ng Oishi nagkaloob ng P1 milyon; Quanzhou Philippines Association president Anson Tan nagkaloob ng P1 milyon; ang Federation of Filipino – Chinese Chamber of Commerce, Inc., at Hapee Toothpaste owner Dr. Cecilio K. Pedro na nagkaloob ng P5 milyon.
Si Obiena, ang tanging Asyano na tumalon ng 6m, at nakopo ang ginto sa Bergen Jump Challenge sa Norway ay pagkakalooban din ng P2 milyon ng Philippine Sports Commission (PSC), at P1 milyon mula sa Philippine Olympic Committee (POC).
Sa kasalukuyan pinaghahandaan ni Obiena ang 2024 Paris Olympics. (HENRY TALAN VARGAS)