I-FLEX
ni Jun Nardo
THIRTY movies ang nakaabot sa September 29 deadline ng pagsumite ng tapos na pelikula na umaasang makakasama sa last four official slots para sa 2023 Metro Manila Film Festival ayon sa reports.
Siyempre, mabusisi rin ang pagre-review ng nasa Screening Committee. May criteria rin silang dapat sundin para mag-qualify ang isang movie.
May panawagan pang dagdagan ng dalawang slots upang maging sampu ang official entries. Sundin naman kaya ng screening committee ang panawagan?
Naku, baka magdagdag na naman ang bayad sa sinehan kapag napasama pa sa last four slots ang movie nina Vilma Santos, Nora Aunor, at Maricel Soriano, huh!
Abangers na lang tayo kung anong pelikula ang masuwerte sa 2023 MMFF.