Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
BUBOY Chess

Kuya Buboy Abalos chessfest tutulak sa 8 Oktubre 2023

MAYNILA — Tutulak ang Kuya Buboy Abalos Limbas Mandaragit Eagles Club Chess Tournament 2023 sa 8 Oktubre sa Robinsons Galleria, EDSA corner Ortigas Avenue, Quezon City.

Ang isang araw na Swiss System format competition ay tumatanggap ng mga kalahok sa lahat ng edad, mula sa mga bata hanggang sa matatanda.

Tampok ang nasa 150 woodpushers sa event na inorganisa ng Philippine National Police (PNP) Chess Club at itinataguyod ng sportsman na si Renato “Kuya Buboy” Abalos sa pakikipagtulungan ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Director Martin “Binky” Gaticales.

Ang magkakampeon ay mananalo ng trophy, gift certificate at cash prize na P5,000, habang ang runner-up ay tatanggap ng P3,00 at medalya. Ang third placer ay mag-uuwi ng P2,000 habang ang fourth at fifth placers ay magbubulsa ng tig-P1,500 at P1,000, ayon sa pagkakabanggit.

Ang pang-anim hanggang Ika-10 puwesto ay mag-uuwi ng tig-P500.

Ang mga special awardees, tulad ng top lady, kiddies, juniors, seniors (55-60) at seniors (56-61), ay bibigyan ng tig-P500 gift certificate.

Ang registration fee ay P350.

Tumawag o mag-text sa mobile number: 0956-138-5346 para sa kompletong detalye. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …