TAGAYTAY CITY— Pinangunahan ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang matagumpay na pagbubukas ng Philippine ROTC Games (PRG) Luzon Leg na ginanap sa Tagaytay City noong Linggo.
Ang pinakamalaking regional tournament ng PRG ngayong taon ay sinalihan ng iba’t ibang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) units mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, at Region 5.
Ipinakita ni Tolentino ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga kalahok na paaralan, ang iba ay nagmula pa sa Cordillera Region at lalo na sa mga pribadong institusyon.
Ang kasamang mambabatas ni Sen. Tol na si Sen. Bong Go ay dumalo sa kaganapan bilang pangunahing tagapagsalita.
Ang PRG Luzon Leg ay susundan ng National Capital Region (NCR) leg sa Oktubre 8 hanggang 14 at ang National Championships mula Oktubre 22 hanggang 27 na gaganapin sa Marikina City.
Ang ROTC Games ay brainchild ni Sen. Tolentino na may bisyong palakasin ang pagkamakabayan at pagbuo ng bansa sa mga Pilipino.
Nagbigay ng mensahe ang pasimuno ng ROTC Games, Senator Francis “Tol” Tolentino kasama sa mga panauhin na nagpahayag ng mensahe sina Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann, Dr. Hernando Robles President, Cavite State University, CHED Secretary Popoy De Vera,Chairman of the Senate Committee on Sports, Senator Chistopher Lawrence “Bong” Go bilang Pangunahing tagapagsalita at Mayor of Tagaytay at Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino. (HENRY TALAN VARGAS)