Friday , November 15 2024
Ph Navy PCG Coast Guard

Intel funds ng Navy, PCG nais dagdagan ni Zubiri

PINADADAGDAGAN ni Senate President Juan Miguel Zubiri na dagdagan ang Confidential at Intelligence Funds (CIF) ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy (PN) na pangunahing magtatanggol ng soberanya ng Filipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Zubiri kailangang magkaroon ng sapat na proteksiyon at suporta mula sa pamahalaan ang PCG at PN dahil sa mabigat nilang tungkulin para sa ating bansa.

“Dahil sa nangyayari sa West Philippine Sea, gusto po namin dagdagan ang budget ng ating mga sundalo at Navy personnel, lalo sa navy at coast guard, to strengthen our external defense capabilities para magkaroon po tayo ng credible defensive posture,” ani  Zubiri sa isang panayam.

Tinukoy ni Zubiri ang pinakahuling desisyon ng senado na buhayin ang Select Oversight Committee on CIFs (SOCCIF) na mag-aaral sa paggamit ng CIFs ng mahigit sa 30 agencies at tukuyin kung dapat bang i-realign ang mga ito para sa mas higit na kapakinabangan.

Ipinunto ni Zubiri, ang CIFs ng PCG at PN na nagbibigay proteksiyon sa ating national territory sa WPS laban sa agresyon ng China ay nagkakahalaga ng P10 milyon at P39.74 milyon.

“Imagine, ‘yung Coast Guard ay P10 milyon lang ‘yung confidential fund nila. ‘Yung ibang ahensiya ng gobyerno, hundreds of millions. So, I would suggest na puwede natin ilipat doon sa mga kailangan talaga ng intelligence funds o madagdagan ang intelligence funds to protect us both internally and externally,” dagdag ni  Zubiri.

Tiniyak ni Zubiri, sa sandaling matanggap ng senado ang kopya ng 2024 national budget mula sa mababang kapulungan ng kongreso ay kanyang itutulak ang pagkakaroon ng realignment funds o pagbabago sa CIFs upang madagdagan ang intelligence capabilities ng PCG at PN. 

“Iyan po ang pangako namin sa inyo, may maiiba pagdating po sa intelligence funds at confidential funds.  And I think it will be reflected in the outcome of the Senate hearings of the budget,”  giit ni Zubiri. 

Ang intel funds ng PCG ay nanatiling P10 milyon hanggang 2022 ngunit sa 2024 proposed total allocation sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) ay tumaas ito ng P24.01 milyon mula sa P21.92 milyon noong 2023.

“Kung sa tingin po natin ay okay naman po ang paghingi nila ng mga budget allocations na ito, then we will approve it. Pero kung hindi at sa tingin namin may pagkukulang, e ‘di either dagdagan namin or tanggalin naman kung may problema,” ani Zubiri.

Binigyang-diin ni Zubiri, sa sandaling matukoy ng komite na ang mga inilaang CIFs sa mga agency ay maaari namang ilagay bilang regular budget sa line item ay hindi siya magdadalawang-isip na irekomenda ito sa budget deliberations. 

“Magbibigay po tayo ng rekomendasyon sa plenaryo. We have to vote in the committee kung ito bang ahensiya na ito dapat bang tapyasan o tanggalin o liitan ang kanilang intelligence funds,” paliwanag ni Zubiri. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …