Sunday , December 22 2024

Sa pagpaslang sa dating vice mayor ng Dipaculao HUSTISYA NAKAMIT NG PAMILYA AMANSEC

090823 Hataw Frontpage

MAKARAAN ang halos isang taon na pagluluksa at paglaban kaugnay ng pagpaslang sa kanilang mga magulang, nakamit ng pamilya ni dating Dipaculao, Aurora vice mayor Narciso Amansec ang hustisya ngayon nang tinuldukan ng Commission on Elections (Comelec) ang desisyon na tanggalin sa puwesto si Aurora Vice Governor Gerardo Noveras.

Sa inilabas na resolusyon ngayong araw, ibinasura ng Comelec en banc ang motion for reconsideration na inihain ng kampo ni Noveras.

Hindi nakaharap si Amansec sa preliminary hearing ng Comelec noong Nobyembre 2022 na kung tutuusin ay maaaring nagresulta agad sa diskalipikasyon ng kanyang petisyon, ngunit nagpasya ang Komisyon na maglabas pa rin ng kanilang desisyon na nakabase sa merits ng kaso dahil hindi maaaring isantabi ang mga kaso ng matinding paglabag sa batas ng eleksiyon ng bansa dahil lamang sa isang technicality.

“However, strict adherence to procedural rules should not operate to shackle the Commission’s efforts to deter and punish the egregious disregard of prohibitions under our substantive electoral laws,” pahayag ng Comelec sa kanilang desisyon.

“As to the material allegation that Noveras committed acts in violation of Section 261(e) of the Omnibus Election Code, the COMELEC en banc ruled that he can be disqualified pursuant to Section 68 thereof for the commission of a fraudulent scheme in indirectly compelling Mr. Tecuico to perform acts beyond the scope of his work in furtherance of his candidacy,” dagdag ng Comelec.

Maalala na noong 26 Abril 2022, kinasuhan ni Amansec si Noveras sa Comelec dahil sa paggamit ng kanyang posisyon bilang gobernador ng Aurora para magamit ang mga pasilidad at kagamitan ng probinsiya para sa kanyang kampanya bilang vice governor sa 2022 national and local elections (NLE).

Tumakbo bilang kandidato para vice governor si Amansec sa 2022 NLE laban kay Noveras na tapos na ang termino bilang gobernador.

Si Amansec mismo ang nakakita ng pag-imprenta ng mga tarpaulin at iba pang mga campaign materials ni Noveras sa loob ng Aurora Training Center compound.

Sa unang desisyon na nilabas ng Comelec sa kaso ni Noveras, nakakita sila ng sapat na ebidensiya para mapatunayan na ginamit ng una ang kanyang posisyon bilang gobernador ng Aurora upang gamitin ang pondo ng probinsiya para sa kanyang kandidatura sa 2022 NLE.

Ilang buwan matapos ng paghahain ng kaso laban kay Noveras ay pinaslang si Amansec, ang kanyang asawang si Merlina at kanilang driver ng mga di kilalang suspek sa loob ng kanilang sinasakyang pick-up sa Barangay Dibatunan.

Sinabi ng Comelec na pinuwersa ni Noveras ang mga tauhan niya sa probinsiya para mag-imprenta ng kanyang campaign materials na labag sa batas ng eleksiyon sa Filipinas. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …