Sunday , November 17 2024
SPD, Southern Police District

Scalawag walang puwang sa SPD

BINALAAN ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Roderick Mariano ang mga tiwaling pulis sa kanyang nasasakupan na itigil ang mga ginagawang ilegal dahil tiyak na pananagutin sila sa batas.

Ang pagbabanta sa police scalawags ay ginawa ng pinuno ng National Capital Region Police Office (NCRPO) makaraang masakote kamakailan sa lungsod ng Pasay ang isang pulis kasama ang kapatid nito sa kasong illegal detention, falsification of public documents, at robbery extortion.

Tinukoy ni P/BGen. Mariano, ang pulis na suspek ay kinilalang si Lordgin Antonino, 39 anyos, at ang kapatid na sibilyan na si Nelson Antonino, Jr., 20 anyos.

Matatandaang ikinulong sa isang hotel ang biktimang Chinese national na si  Zhou Yunqing, 26 anyos, babae, at hiningian umano ng P500,000 kapalit ng kanyang kalayaan ngunit nabuko ang ginawang pagkulong sa biktima ng pulis na si Antonino at kapatid nito.

Muling ipinaalala ni General Mariano sa kanyang mga tauhan na sumumpa sila sa tungkulin na ipapatupad ang batas nang naaayon sa tamang proseso at poproteksiyonan ang mamamayan para sa kanilang kaligtasan, sila man ay mga dayuhan sa bansa.

Binigyang diin ng SPD Director, hindi niya kokonsintihin ang masasamang gawain ng mga tiwaling pulis at agad silang gagawa ng aksiyon laban sa kanilang mga miyembro na nasasangkot sa mga criminal activities at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Sinabi ng opisyal, mas nakararami pa rin sa kanilang hanay ang matitino at tapat sa tungkulin at iilan lamang sa kanila ang naliligaw ng landas. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …