Saturday , February 1 2025
JRMSU cadets ROTC Games
KAPWA inangkin ng Jose Rizal Memorial State University (JRMSU) men at women Army Cadets ang gintong medalya sa 4 x 100 m run men at women kabilang sina (Men), Roger Austria, Leonel Rey Quinanola, Jeylord Ajero at Jan Michael Sosmena sa (women) ay sina Rahima Jamil, Mary Joy Sumihig, Shara Mae Jamisola at Christine Gomobos sa ginaganap na 2023 ROTC Games Mindanao Leg sa Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex. (HENRY TALAN VARGAS)

JRMSU cadets humakot ng ginto sa ROTC Games

Zambonga City – Ipinakita ng Philippine Army cadets mula sa Jose Rizal Memorial State University ang kanilang bilis matapos angkinin ang gold medal sa men at women 4x100m relay run sa athletics competition ng 2023 ROTC Games Mindanao Leg na ginanap sa Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex.

Nagsanib puwersa sina Roger Austria, Leonel Rey Quinanola, Jeylord Ajero at Jan Michael Sosmena upang ilista ang 48.7 segundo sapat para masikwat ang gintong medalya sa men’s category.

Habang sa distaff side ay sina Rahima Jamil, Mary Joy Sumilhig, Shara Mae Jamisola at Christine Gomobos naman ang kuninang sa nirehistrong 57.5 segundo.

Nagwagi naman Philippine Navy division, sina Silver Jude Ventosa, Joshua Francis Barredo, Raphael Dela Cruz at Farrell ng Zamboanga Peninsula ang sumikwat ng gintong medalya matapos ilista ang 47.8 segundo.

Nasaksihan ni Senator Francis Tolentino ang mainit na bakbakan ng mga ROTC cadets at units mula sa iba’t-ibang colleges at universities na suportado ng Philippine Sports Commission, (PSA) sa pamumuno ni chairman Richard Bachmann.

Maliban sa athletics, ang ibang sports na pinaglalabanan ng mga atleta sa Army, Navy at AirForce ay ang volleyball, Kickboxing, Arnis, Boxing, Esports at Basketball.( Hataw Sports)

About Henry Vargas

Check Also

Ramon Tats Suzara

Pambansang U21 Men’s Volleyball Championship, nagsimula na

Ang daan patungo sa FIVB Volleyball Men’s World Championship (MWCH) 2025 sa Setyembre ay sisimulan …

Andrew Kim Remolino Raven Faith Alcoseba NAGT Triathlon

Remolino, Alcoseba, ng Cebu kampeon muli sa 2025 NAGT

ISINUKBIT muli nina Andrew Kim Remolino at Raven Faith Alcoseba ang mga titulo sa kalalakihan …

Diego Jose Dimayuga Lauren Lee Tan NAGT Triathlon

Dimayuga, Tan, ginto sa NAGT U15 Super Kids

DINOMINA ni Diego Jose Dimayuga ng PH developmental pool ang boys division habang humabol sa …

NAGT Triathlon

350 Super Kids, mag-aagawan sa Asian Youth Games slot 

PAG-AAGAWAN ng kabuuang 350 kabataang tri-athletes ang nakalaang silya sa gagawin na Asian Youth Games …

NAGT Triathlon

2025 National Age Group Triathlon hahataw na sa Subic Boardwalk

MGA iskedyul para sa 2025 National Age Group Triathlon (NAGT) na gaganapin sa Enero 25-26 …