ZAMBONGA CITY — Inaasahang mainit ang bakbakan sa 1st Philippine Reserve Officers’ Training Corps Games (PRG) 2023 – Mindanao Leg ngayong araw sa Zamboanga City.
Hindi magpapaawat ang mga atletang kalahok na ipakita ang kanilang determinasyong manalo sa pitong sports tulad ng Atheltics, Kickboxing, Volleyball, Arnis, Boxing, Esports at Basketball.
Ilalarga sa Day 1 ngayong araw ang athletics, kickboxing at volleyball at dahil sa dami ng atleta na tinatayang nasa 1,300 ang magpapaligsahan na ROTC cadets at units mula sa iba’t-ibang colleges at universities.
Ayon kay Sen. Francis Tolentino ang brainchild ng nasabing tournament, pinag-uusapan na nila ang pagdagdag ng iba pang event upang mas mapalawak pa ang sports competition.
Samantala, umabot sa mahigit 13,000 ang sumaksi sa opening ceremony na ginanap sa Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex kahapon.
Maliban kay Tolentino, dumalo sa pagbubukas ng event sina Vice President at Education Secretary Sara Duterte at Mayor John Dalipe.
“Maaga pa lang succesful na ito with the presence of the vice president a while ago it’s a resounding success kailangan na lang ma execute yung iba-ibang sports competition.