Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Stephanie Raz Bobby Bonifacio Jr Victor Relosa 

Stephanie Raz walang kiyeme kahit pinahiga katabi ng mga baboy

ni Allan Sancon

AMINADO si Direk Bobby Bonifacio Jr. na weirdo pero may kabuluhan ang mga pelikulang kanyang ginagawa. Katulad na lamang ng pelikulang Kahalili na pinagbibidahan ni Stephanie Raz kasama sina Victor Relosa at Millen Gal, supported by award winning actors na sina Sid Lucero at Mercedes Cabral.

Istorya ito ng isang babaeng nalulong sa ipinagbabawal na gamot na nais takasan ang trahedyang nangyari sa kanyang buhay ngunit nabuntis at pilit na ipinaglalaban ang karapatan sa kanyang anak. 

Maraming weird na eksenang ginawa si Stephanie sa pelikulang ito. Bukod sa maraming bed scenes with Sid at Victor, naroon ding pinahiga siya ni Direk Bobby katabi ang mga baboy at marami pang ibang eksenang kaabang-abang.

Ito na yata ang pinaka-challenging role na ginawa ko sa Vivamax. Pero nagpapasalamat naman ako dahil feeling ko ay nagawa ko naman ang best ko sa movie na ito sa tulong ng aking mga director at mga kapwa artista,”kuwento ni Stephanie.

Magaling si Stephanie rito, ginawa niya naman lahat ang mga gusto naming ipagawa sa kanya, walang arte at mahusay din naman niyang nagampanan ang kanyang role,” papuri ni Direk Bobby kay Stephanie.

Napansin din ang galing ng bagong sexy actor na si Victor na nakipagsabayan din  ng galing kay Mercedes na aminadong kinabahan sa eksena nilang dalawaz

Medyo kinabahan nga ako noong eksenang inuuntog ko ‘yung ulo ni ma’am Mercedes kasi nag-worry ako na baka totoong nasaktan ko siya,” saad ni Victor.

Pinuri ng mga press ang pagiging weirdo pero magandang istorya ng pelikula at ang magagandang kuha ni Direk Bobby ng mga eksena. 

Palabas na simula ngayong August 18, 2023 ang pelikulang Kahalili sa Vivamax.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …