Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eric Buhain Jamesray Ajido Miko Vargas
Philippine Swimming Secretary-General 1st District Batangas Congressman Eric Buhain (kaliwa) kasama sina National Junior record holder Jamesray Ajido at swimming president Miko Vargas. (HENRY TALAN VARGAS)

19 batang swimmers sabak sa SEA Age Group tilt

NAPILI mula sa masinsin na tryouts, isasabak ang 19-man Philippine Team na binubuo ng mga batang manlalangoy (10 lalaki at 9 na babae) mula sa buong bansa sa 45th Southeast Asian Age Group Aquatics Championships sa Agosto 24-26 sa Jakarta, Indonesia.

Lahat ng 18 homegrown tanker na pinamumunuan ng multiple National junior record holder sa 13-under class na si Jamesray Michael Ajido mula sa Quezon City ang nakapasa sa itinakdang qualifying standard criteria (ika-5 na puwesto sa 2022 edisyon) sa isinagawang serye ng open tryout nitong Hulyo ng Philippine Swimming na pinamumunuan nina Miko Vargas at Secretary-General Eric Buhain sa Teofilo Ildefonso swimming pool sa Malate para sa Manila leg, Vigan, Ilocos Sur para sa Luzon at Dumaguete City para sa Visayas at Mindanao.

Nakasama naman ang US-based Filipino-foreigner na sina Clark Kent Apuada at Ava Samantha Bautista matapos magsumite ng qualifying time na pirmado at napatotohanan ng organizing head ng nilahukang torneo sa US. Ang una ay kwalipikado para sa boys 15-16 100m freestyle (53.72) at ang huli para sa girls  15-16 50m fly (28.44), 100m fly (1:03.20), at 200m fly (2:23.46).

“The best of the best as I see it. And since talagang nagpa-tryouts tayo all over the country well represented ang mga regions sa composition ng team natin which is a good sign that swimming is changing for the better. Hindi lamang nila kinakatawan ang bansa kundi binigyan din nila ng karangalan ang kanilang mga lungsod at lalawigan,” ani Buhain, isang Olympian at Congressman ng 1st District ng Batangas.

“Marami tayong inspirasyon sa mga batang ito, ang ating susunod na henerasyon ng mga kampeon sa paglangoy,” diin ni Buhain, na idinagdag na ang 5-man diving squad na sinasanay ni dating Asian Games campaigner Nino Carog ay kasama rin bilang bahagi ng kanilang pagsasanay at exposure.

Ang 14-anyos na si Ajido, nagwagi ng dalawang gintong medalya sa 13-under sa edisyon noong nakaraang taon sa Kuala Lumpur, Malaysia, ay kwalipikado para sa boys 14-15 class 200m Individual Medley (2:14.33) gayundin sa kanyang mga paborito na 50m butterfly (26.12) at 100m fly (57.46).

Makakasama niya ang kapwa Quezonian at 2022 World Junior Championship campaigners na sina Amina Isabelle Bungubung, Mishka Sy, at Jalid Taguinod. 

Kasama rin sa koponan sina Makati City pride Ivo Nikolai Enot, Joshua Park ng Paranaque City,  Aishel Evangelista ng Caloocan City, Estifano Joshua  Ramos at Lance Rafael Cruz ng Manila,  Patricia Mae Santor at Shairinne Floriano ng Antipolo City, Peter Cyrus Dean mula sa Quezon Province,

Ang Midsayap, North Cotabato ay kakatawanin ni Jie Angela Mikaela Talosig , habang si Catherine Cruz ang pambato ng Mabalacat, Pampanga, kasama sina  Arabella Taguinota ng Pasig City,  Bea Mabalay at Jennuel Boo De Leon mula sa Aklan.

Kwalipikado rin si Juan Marco Daos para sa boys 16-18 200m fly (2:08.29) ngunit piniling laktawan ang torneo habang nakatuon sa pagsasanay para sa World Junior Championship na nakatakda sa Setyembre 4-9 sa Israel.

Pinangalanan naman ni Buhain si Ramil Ilustre bilang head coach, habang mga assistant sina Cyrus Alcantara, Manuel De Leon, Mark Pido, at Wilfredo Cruz. (HATAW Sports)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …