Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Megan Paragua Nonoy Rafael Mark Paragua Adrian Elmer Cruz

Fil-AM Megan Paragua nagtapos na ika-3 sa US blitz chess tourney

MANILA — Nai-draw ng Filipino-American na si Megan Althea Obrero Paragua ang kanyang ika-8 at huling round match noong Linggo para tumapos sa ikatlo sa Weeramantry National blitz chess tournament ng state champions 1800-2199 Section sa Amway Grand Plaza Hotel sa Grand Rapids, Michigan, USA.

Ang New York, USA based na si Paragua, pamangkin ni Grandmaster Mark Paragua, ay nagtala ng 6.5 puntos sa limang panalo at tatlong tabla sa six-way tie para sa pangalawa ngunit nakakuha ng mga parangal sa ikatlong puwesto, may superior tie break kay CM Ehsaan Hebbar (4th , Maxwell Barnes (5th), Minh Binh Tran (6th)  at Valibhav Rojinjith Kalpaka (7th) .

May 6.5 puntos din si Advaith Vijayakumar sa pangalawang puwesto.

Nabigo si Paragua na makatapos sa unahang puwesto nang mai-draw sa laban niya kay Logan Shafer sa huling round.

Tinalo ni Eric Feng si Anjaneya Sripathy Rao para makuha ang titulo na may 7.0 puntos.

Ang 10-anyos na si Paragua, 5th grader sa Columbia Grammar Preparatory School sa New York City USA ay muling makakikita ng aksiyon sa 11th Annual WIM Ruth Haring National Tournament of Girls State Champions K-12 sa DeVos Place, Grand Rapids, Michigan ngayon Lunes, 31 Hulyo.

Bilin Jan Vincent Paragua, nakababatang kapatid ni GM Mark sa kanyang anak na babae: “Sa aking anak na si Megan Althea Obrero Paragua, maglaro nang maayos sa kanyang susunod na chess tournament (11th Annual WIM Ruth Haring National Tournament of Girls State Champions K-12).”

Samantala, nag-courtesy call si New York, USA based Grandmaster Mark Paragua kina Deputy Consul General Adrian Elmer S. Cruz, Consul Ricarte Abejuela III, at Vice consul Paolo Marco Mapula sa Philippine Consulate sa New York City noong Miyerkoles.

Kasama ni GM Paragua sina United States chess masters Nonoy Rafael at Ernesto Encarnacion.

Sasabak si GM Paragua kasama si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna sa 2023 FIDE World Cup sa Baku, Azerbaijan, naka-iskedyul mula 30 Hulyo hanggang 25 Agosto.

Haharapin ni GM Paragua ang Slovakian na si Jergus Pechac sa isang two-game duel habang si WGM Frayna ay lalaban kay Indonesian International Master Medina Wardan Aulia. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …