MAYNILA — Nanguna si Franchesca Largo ang Philippine Sports Commission (PSC) Women Rapid Chess Tournament na ginanap noong Linggo, 16 Hulyo sa Athlete’s Dining Hall ng PhilSports Complex sa Pasig City.
Nakakolekta si Largo ng kabuuang 4.5 puntos sa limang outings para makuha ang titulo.
Pareho rin ang score ni Rizalyn Jasmine Tejada ngunit kinailangan niyang lumagay sa ikalawang puwesto dahil si Largo ang may superior tie-break score.
Umiskor si Largo ng mga panalo laban kina Beatriz Anne Barbosa (Round 1), Keira Alexandria Aviso (Round 2), Arleah Cassandra Sapuan (Round 3) at Kate Nicole Ordizo (Round 5).
Naka-draw siya kay Bea Mendoza sa Round 4.
May tig-4 na puntos, nagtabla sa ikatlo hanggang walong puwesto sina Mendoza, Ayana Nicole Usman, Me Ann Joy Baclayon, Ordizo, Divine Grace Luna, at Kaye Lalaine Regidor.
Tumabla sa ika-9hanggang ika-12 puwesto, may tig-3.5 puntos, sina Samantha Babol Umayan, Anabelle Gonzales, Alleana Beatrice Gonzales, at Elle Castronuevo.
Ang 10-anyos na si Nika Juris Nicolas, ang pinakabatang National Master ng bansa ay nanalo ng pinakamahusay na performer sa kategoryang Under 12.
Sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann, Commissioner Olivia “Bong” Coo, Long Jump Queen of the Philippines Elma Muros-Posadas, NCFP CEO GM Jayson Gonzales, NCFP Legal Counsel Atty. Sina Nikki de Vega at WGM Janella Mae Frayna ang nagpasinaya sa nasabing chessfest. (MARLON BERNARDINO)