Monday , December 23 2024
European Union Euros

Sa pag-renew ng partisipasyon
PH SA GSP PLUS NG EU MAGPAPALAKAS NG EXPORTS, PAMUMUHUNAN

MALUGOD na tinanggap ni Senador Win Gatchalian ang panukalang pagre-renew ng partisipasyon ng Filipinas sa Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+) at sinabing ito ay inaasahang magpapalakas ng exports ng bansa at magpapataas ng pamumuhunan.

“Ako ay nagagalak na malaman na ang European Commission ay iminungkahi na i-renew ang pakikilahok ng bansa sa GSP+ scheme dahil ito ay tiyak na magbibigay ng mas malawak na merkado para sa ating exports at magbibigay ng mga oportunidad sa trabaho para sa marami nating mga kababayan,” sabi ni Gatchalian.

Si Gatchalian ay naging bahagi ng Philippine Congressional Delegation na bumisita sa European Parliament noong Oktubre ng nakaraang taon upang talakayin sa kanilang counterparts ang estado ng bansa sa GSP+, bukod sa iba pang mga bagay. Pinasalamatan niya si Senador Sonny Angara na siyang namuno ng delegasyon.

“Ako ay umaasa na ang mga miyembro ng EU Parliament ay mapahahalagahan ang mga napag-usapan namin tungo sa pagbuo ng mas matatag na pakikipagkalakalan sa EU. Ang pagkakaloob ng EU GSP+ ay nagbibigay ng mga pribilehiyo sa Filipinas,” aniya.

Gaya ng iminungkahi ng EC, ang paglahok ng bansa sa GSP+ scheme ay inaasahang mangyayari sa loob ng apat na taon  hanggang Disyembre 2027 sa sandaling mag-expire ito sa katapusan ng taong ito.

Ang GSP+ ay isang insentibo para sa mga tinaguriang low and lower-middle income countries. Ito ay isang unilateral trade arrangement na nag-aalok ng zero tariff sa 6,274 produkto o 66% ng lahat ng EU tariff lines. Ang Filipinas ay unang lumahok dito noong 2014.

Mula sa kita ng exports na EUR 5.7 bilyon noong 2014, lumaki ito sa EUR 7.7 bilyon noong 2021. 

Ang kita ng bansa mula sa exports sa 27 European Union na bansa (EU27) ay tumaas sa US$ 8.6 bilyon noong 2021 mula US$ 6.4 bilyon noong 2020. Ito ay nauugnay sa mga produktong tulad ng crude coconut oil, skipjack tuna, semiconductor device, at digital monolithic integrated circuits.

Nagpahayag ng kompiyansa si Gatchalian na ang pagre-renew ng partisipasyon ng Filipinas sa GSP+ scheme ay higit na magpapaunlad sa relasyon ng pamumuhunan ng bansa sa mga miyembrong ekonomiya ng EU. Noong 2021, ang EU27 ang pang limang pinakamalaking trading partner ng Filipinas, pang-anim na pinakamalaking export market, at pang anim na import source.

Ang exports sa EU ay isang malaking investment source ng bansa. May ambag itong nasa $2 bilyon mula 2017 hanggang sa unang anim na buwan ng 2022. Kabilang sa mga itinuturing na contributors ng Filipinas ang mga bansang The Netherlands, may kontribusyon na US$ 1.6 bilyon, na sinusundan ng France — US$ 130 milyon, at Germany, may ambag na US$ 130 milyon.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …