UMAPELA sa publiko ang isang kompanya na mag-ingat sa mga nagpapakilalang Board of Directors at opisyal na umano’y konektado sa kanila gamit ang mga penekeng dokumento.
Sa isang public Advisory, sinabi ng kompanyang Xinguang Realty Corporation na may office address sa No. 338 Latina St., Pulang Lupa Dos Las Piñas City, nagawa umanong palitan ang Certificate of Incorporators na nasa Securities and Exchange Commission habang kasagsagan ng pandemic noong 2020.
Isang Richard Lim umano ang gumawa nito at siya rin ang namahala sa naturang compound sa loob ng tatlong taon.
Sinamantala nilang manatili sa Taiwan, ang mga orihinal na may-ari at opisyal ng kompanya ay peneke ang lahat ng dokumento para angkinin na sila ang naturang kompanya.
Makalipas ang dalawang taon ng pandemic, bumalik ng Filipinas ang mga may-ari at doon nila natuklasan na wala na sa kanilang kontrol ang pamamalakad ng Xinguang Realty Corporation.
Agad humingi ng tulong sa mga awtoridad ang grupo ni William Lu para magsampa ng kaso sa korte at SEC upang ipawalang bisa ang mga dokumento na peneke ng mga suspek.
Noong Hunyo, sinalakay ng Anti-Cyber Crime Group ng PNP ang compound ng naturang kompanya at natuklasang ginagamit na ito sa illegal offshore gaming operations na hindi bababa sa mahigit dalawang libong dayuhan ang naaresto. (NIÑO ACLAN)