Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Isko Moreno Paolo Contis Jalosjos Eat Bulaga

Isko at Paolo pangmatagalan ang kontrata sa Eat Bulaga 

I-FLEX
ni Jun Nardo

PANGMATAGALAN ang kontratang pinirmahan nina Isko Moreno at Paolo Contis bilang hosts ng bagong Eat Bulaga.

Naganap ang contract signing last Saturday bago ang Eat  Bulaga sa APT Studio.

Bukod kina Isko at Paolo, present sa contract signing ang Jalosjos brothers na sina Bullet at Jonjon, Joy Marcelo ng GMA Artist Center at legal counsel ng APT na si Atty. Maggie Abraham Garduque.

Hindi man sinabi ni Isko kung gaano katagal ang kontrata nila ni Paolo sa show, “Basta mananatili ang saya at tulong na inihahain namin sa tao.”

 Para kay Bullet, “First time na nangyari ito sa mga host na may contract signing. Soon, ang mga empleado naman ang magkakaroon ng contract signing.

Para sa kanilang security of tenure ang ginawa ng TAPE. At gusto lang naming sabihin na walang katotohanan ang kumakalat na tsismis na hanggang July 29 na lang sa GMA ang ‘Eat Bulaga’ at magtatapos na ito.”

“Ang totoong magtatapos ay ang 43rd year ng ‘Eat Bulaga’ dahil papasok na ito sa 44th year sa July 29,” pahayag naman ni Atty. Maggie.

Basta marami kaming sorpresa lalo na’t ikinatutuwa namin na mataas ang ratings ng ‘Eat Bulaga’ sa Visayas at Mindanao!” sabi naman ni Jonjon.

Kampante na ngayon ang pamunuan ng TAPE sa itinatakbo ng bagong Bulaga at madaragdagan pa ang sorpresang handog nila sa manonood!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …