Sunday , April 13 2025
PAHAYAG 2023-Q2 PuBLiCUS Asia

Patok na local brands tinukoy sa Pahayag 2023-Q2 survey

BATAY sa pinakahuling PAHAYAG 2023-Q2, na pinamahalaan ng PuBLiCUS Asia Inc., at isinagawa sa pagitan nitong nakaraang 7-12 Hunyo 2023, inalam ang sentimiyento at nagugustohan ng mga Filipino consumer sa hanay ng iba’t ibang lokal na produkto.

Lumabas sa 31 Filipino restaurants at fast food chain brands, ang Jollibee ang nanguna sa nakuha nitong 74% rating, kasunod ang Mang Inasal (31%) at Chowking (20%).

Parehong nakakuha ng tig-13% ang Chooks-to-Go at Red Ribbon, na sinusundan ng Goldilocks at Greenwich, at parehong mayroong 10% endearment ratings.

Tinukoy din sa PAHAYAG 2023-Q2 Survey ang Purefoods bilang “most endeared food brand” na mayroong 40% rating, pangalawa ang Datu-Puti (25%), nasa pangatlo ang Century Tuna at Selecta, sa parehong 23% endearment scores.

Kasunod nito ang Magnolia (17%), San Miguel Beer (15%), CDO Meat Products (14%), San Marino (7%) at Tanduay (4%).

Pagdating sa local health and personal care category, top 1 ang Mercury Drug (67%), sumunod ang Watson (51%) at UNILAB (27%), habang ang Bench Body, ay mayroong 8% endearment score.

Sa telecommunications services category, naungusan ng Globe, sa nakuha nitong 65% rating, ang PLDT/Smart, na mayroong 61% endearment score, habang ang DITO, na siyang new player sa local telecoms sector ay mayroong 16% rating.

Samantala, ang PAHAYAG 2023-Q2 Survey ay isang nationwide purposive survey na mayroong 1,500 respondents, randomly drawn mula sa market research panel o ng mahigit sa 200,000 Filipinos na mini-maintain ng PureSpectrum, isang US-based panel marketplace. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …