MANILA — Mapapalaban sina Grandmaster (GM) Mark Paragua at Woman Grandmaster (WGM) Janelle Mae Frayna sa 2023 FIDE World Cup sa Baku, Azerbaijan na naka-iskedyul mula 29 Hunyo hanggang 25 Agosto.
Si Paragua na nakabase sa New York sa Estados Unidos ay nagsasagawa ng kanyang 4th Men’s World Cup stint kasunod ng mga kalipikasyon noong 2005, 2011, at 2013.
“I hope to do well in this event,” sabi ni Paragua, ang 2003 Vietnam Southeast Asian Games most bemedalled athlete na nagwagi ng three gold medals.
Nakuha ng tubong Marilao, Bulacan na si Paragua ang kanyang pinakamahusay na resulta noong 2005 nang pabagsakin niya si Armenian GM Sergei Movsesian ngunit sumuko kay Russian GM Alexey Dreev sa ikalawang round.
Dalawang daang lalaking manlalaro ang nakikipagkompetensiya, kasama ang top 3 na umabante rin sa Candidates Tournament.
Samantala, ang nag-iisang si WGM Frayna ng Filipinas ay kabilang sa 103-woman field na pinasok sa single round elimination tournament, kung saan magiging kalipikado ang top 3 finishers sa 2024 Women’s Candidates.
Nilalayon ni Frayna, nakapasok sa World Cup pagkatapos ng kanyang ika-18 puwesto sa 2022 World Chess Olympiad, na makompleto ang 2400 rating requirement at magiging unang babaeng International Master (IM) ng bansa.