Sunday , April 6 2025
Jad Dera NBI

 ‘Palihim na pagpuslit’ ni Dera sa NBI iniimbestigahan

SINIMULAN ng Senate committee on justice and human rights ang imbestigasyon ukol sa palihim na  paglabas sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility ni Jose Adrian “Jad” Dera.

Si Dera ang co-accused ni dating Senador Leila de Lima sa natitira niyang kasong may kaugnayan sa ilegal na droga na umano’y tumakas sa bilangguan at inaresto noong 21 Hunyo kasama ang anim pang NBI security officers.

Layon ng imbestigasyon na matiyak na ang integridad ng sistema ng pamahalaan ay maayos at tama, at napaparusahan ang mga lumabag at nagkasala.

Sa pagharap sa pagdinig ng senado sinabi ni Justice Assistant Secretary Mico Clavano, mayroong naganap na sabwatan sa ilang tauhan sa detention facility at sa NBI upang maglabas-pasok sa kulungan ang isang bilanggo.

Samantala pinabulaanan ng abogado ni Dera na si Atty. Raymond Palad na ang kaniyang kliyente ay humingi ng permiso na pansamantalang makalabs ng bilangguan dahil sa usapin ng kanyang kalusugan.

Iginiit ni Palad, ang kanyang kliyente ay inaresto sa loob ng NBI at hindi habang nakasakay sa isang marked vehicle na siyang tinukoy ng Department of Justice (DOJ).

Nais masuri sa imbestigayon ng senado na pag-aaralang mabuti kung epektibo pa ang security rules at mekanismo ng NBI at paano natukoy na mayroong iregularidad at korupsiyon sa ahensiya.

Nais din ng senado na mapanagot ang sinumang responsable sa pagpayag, kung mayroon man, sa paglabas sa bilangguan ni Dera. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …