Friday , November 15 2024
Bubble Gang

Ilang cast ng Bubble Gang nagsipag-gradweyt na

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MAY bagong timeslot ang longest running gag show na Bubble Gang simula July 9. 

Sa idinaos na preskon, nagulat kami sa bagong cast at marami ang gumradweyt. Maraming beteranong artista ang nawala na after so many years. Hindi naman nag-question ang lead actor na si Michael V. since ito ay umere. 

It was a business decision ng GMA management at tumutugma sa panahon ngayon ng digital age at social media.

Matagal na palang hindi na creative head ng programa si Michael V at kampante na siya sa mga nangangasiwa although puwede pa rin naman siyang magbigay ng inputs. 

Ayon kay Bitoy aka Michael V ay madalas pa rin nilang nakakatrabaho ang mga nagsipag-graduate tuwing naiimbitahang maging panauhin ng Bubble Gang

Wala naman akong naririnig na nagso-sourgrape among the graduates Maliban sa isa na punompuno ng sama ng loob. Pero okay naman ang estado niya ngayon sa negosyong pinasukan niya habang lumalabas pa rin siya sa mga teleserye ng GMA.

Kaya abangan natin ang Bubble Gang sa GMA July 9, 6:00 p.m.. Ang huling Biyernes ay sa July 7 at agad eere ng Sunday, July 9.

About Joe Barrameda

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …