Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashzley Aya Nicole Paquinol Chess

Sa 21st ASEAN+ Age-Group Chess Championships
12-ANYOS PINAY NANALO NG GOLD SA THAILAND



MANILA—Nagwagi ng gintong medalya ang labindalawang taong gulang na Pinay sa Bangkok, Thailand.


Pinangunahan ni Ashzley Aya Nicole Paquinol, isang Grade 6 pupil ng CUBED (Capitol University Basic Education Department) ang Under-12 Girls category (individual rapid event) sa 21st ASEAN+ Age-Group Chess Championships 2023 noong Linggo, Hunyo 25.


Nakakolekta ng 6.0 puntos ang tubong Cagayan de Oro City na si Paquinol sa limang panalo at dalawang tabla sa pitong outings.


Umiskor si Paquinol ng mga tagumpay laban kay Ngoc Lan Dinh ng Vietnam sa unang round,  Maria Andrea Trani ng Pilipinas sa ikalawang round, Thai Hoang An Tong ng Vietnam sa ikatlong round,  Le Vy Tran ng Vietnam sa ikaapat na round at Josephine Grace Rondonuwu ng Indonesia sa fifth round.


Nakipag-draw siya kay Nguyen ng Minh Chi Vietnam sa ikaanim na round at Le Thai Hoang Anh ng Vietnam sa ikapito at huling round.


“It was a very good performance and I want to dedicate the victory to my family and friends because they are always with me,” sabi Paquinol na nasa kandili ng kanyang personal coach Fide Master Nelson Villanueva.
Nanalo rin si Paquinol ng silver medal sa team event ng Standard, Rapid at Blitz competition.


Si Paquinol na natutunan ang mga simulain ng larong chess sa edad na 8 ay nag-uwi ng kabuuang apat na medalya. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …