Friday , November 15 2024
Rodolfo Biazon

Pakikiramay ipinaabot sa pamilya
PH SENATE NAGDALAMHATI SA PAGYAO NI BIAZON

AGAD na nagpaabot ng pakikiramay at pagdadalamahati ang mga senador sa pamilya ni dating Senador, congressman at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff (AFP-COS) Rodolfo G. Biazon nang ihayag ng anak nitong si Muntilupa City Mayor Ruffy Biazon na pumanaw ang kanyang ama sa edad 88 anyos sanhi ng pneumonia.

Kabilang sa mga nagpahatid ng kanilang pakikiramay at pagdadalamhati ay sina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senador Francis “Chiz” Escudero, Ramon Revilla, Jr., Jinggoy Estrada, Robinhood “Robin” Padilla, at Senadora Nancy Binay at Grace Poe.

Inalala ng mga senador ang naging ambag ni Biazon sa sandatahang lakas ng Filipinas at pagpapanatili ng kapayapaan ng bansa sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Kinilala rin ng mga senador ang naging ambag ni Biazon sa ilang mga batas at mga kontribusyon bilang mambabatas noong siya ay nagsisilbi pa.

Hindi nakalimutan nina Estrada at Revilla ang pagiging katrabaho ng kaniyang ina na si dating Senadora Loi Estrada at kanyang ama na si dating Senador Ramon Revilla, Sr.

Muling nanariwa kina Zubiri at Escudero  ang kanilang pagsasama at pagtatrabaho sa kongreso ini Biazon.

Nagpaabot ng dasal at panalangin ang mga senador para sa pamilya ni Biazon.

Inaasahang ilalagay sa half-mast ang bandila ng Filipinas sa harap ng gusali ng senado at tulad ng nakaugalian ay nagsasagawa ng necrological mass ang mga senador para namayapang dating miyembro ng kapulungan.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …