Sunday , November 17 2024
OJ Reyes Chess

OJ Reyes wagi sa 1st Governor Francisco G. Nepomuceno Memorial Youth Chess Challenge

MANILA — Nangibabaw ang Filipino chess wizard na si Oshrie Jhames “OJ” Constantino Reyes, isang certified National Master (NM) sa 1st Governor Francisco G. Nepomuceno Memorial Youth Chess Challenge (FIDE Rapid event) na ginanap sa Marquee Mall sa Angeles City, Pampanga nitong Linggo, 11 Hunyo.

Ang 11-anyos na tubong Dila-Dila, Santa Rita, Pampanga na si Reyes, graduating grade 6 pupil ng Santa Rita College (SRC) ay nakakolekta ng 6.5 points sa pitong outings para manalo sa event na inorganisa ni National Arbiter Jose Fernando “Fer” Camaya.

Sa kanyang tagumpay, natanggap ni Reyes ang pinakamataas na premyong P6,000 plus trophy sa isang araw na FIDE rated rapid event, na nag-apply ng time control na 15 minuto at 3 segundong increment, sinuportahan ng sportsman/entrepreneur na si Mr. Francisco Nepomuceno Antonio, Prosel Pharma, Inc., at ng Coffee Cat Cafe.

Umiskor si Reyes ng mga tagumpay laban kay Kyle Andrei Dinglasan sa unang round; Sian Hevn Casares sa ikalawang round; Arena FIDE Master Ronell Jose Co sa ikatlong round; Rian Edora sa ikaapat na round; Karl Richard Ballobar sa ikaanim na round; at Mike Emmanuel A. Mendoza sa ikapito at huling round.

Hinati niya ang mga puntos kay Mar Aviel Carredo sa ikalimang round.

“Si OJ ay naghahari bilang kampeon sa malakas na field chess tournament sa pamamagitan ng pag-convert ng kanyang mahihirap na posisyon sa laro, sa mga tagumpay na nanaig sa kanyang mga co-chess player, may napakahusay na pagganap na may halos perpektong iskor na 6.5 puntos sa 7 round, at mabilis na kontrol sa oras,” sabi ni Jubail, Kingdom of Saudi Arabia based Jaime “Jimmy” Reyes, ama ni OJ.

“I’m so happy to have been part of such an incredible event,” sabi ni Reyes, incoming Grade 7 student sa University of Santo Tomas sa iallim ng patnubay ni coach Grandmaster candidate Ronald Dableo.

Si OJ ay nasa isang mahigpit na pagsasanay sa ilalim ng mga pakpak ng kanyang personal na coach na si International Master Eric Labog. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …