Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Oscar Joseph Cantela Chess

NM Oscar Joseph Cantela sasabak sa World Youth Chess Championships sa Montesilvano, Italy

MANILA — Nakatakdang sumabak si National Master (NM) Oscar Joseph “OJ” Cantela ng General Trias City, Cavite sa World Youth Chess Championships na gaganapin sa 12-25 Nobyembre sa Montesilvano, Italy.

Matapos ang boys under-17 division ng Mayor Seth Frederick “Bullet” P. Jalosjos National Youth and Schools Chess Championships Grand Finals bilang Co-Champion (Standard Time Control) sa Dapitan City, Zamboanga del Norte noong 8 Hunyo, ang 15-anyos na si Cantela ay nagtakda ng kanyang bisyon sa isang mas mataas na layunin.

Plano ni Cantela na itaas ang kanyang standard rating na 1692 sa mahigit 2000 ngayong taon. Nasa track din siya para sa mailap na FIDE Master (FM) title at titulong International Master (IM).

Si Cantela, isang Grade-10 student sa Far Eastern University-Diliman, naglalaro sa ilalim ng patnubay ni coach Grandmaster Jayson Gonzales, ay pasok rin sa runner-up place sa boys under-16 division Mayor Darrel Uy National Age Group Chess Championships Grand Finals sa Dipolog City, Zamboanga del Norte noong 8 Hunyo.

Pumangalawa siya sa National School and Youth and Schools Chess Championships Elimination sa Himamalayan City, Negros Occidental noong 16 Abril

.

Ang iba pang tagumpay ni Cantela ay pagpuwesto bilang pang-apat sa pangkalahatan sa National Junior Chess Championships sa Alicia, Isabela noong 30 Mayo at ika-3 puwesto sa boys under-16 division sa Vice Gov. Athena Bryana D. Tolentino National Age Group Chess Championships na ginanap noong 5 Marso.

“”OJ Congratulations  we are very proud of you anak, masaya kami ng mama mo sa lahat ng achievements mo! Sana ay ipagpatuloy mo ang iyong paglalakbay at huwag kang susuko. Laging tandaan na lagi kaming nandiyan para gabayan ka at suportahan ka saan man pumunta… Nagpapasalamat kami sa Diyos sa kanyang napakagandang pagpapala,” sabi ng amang si Kevin Cantela.

“Nagpapasalamat po ako sa aking pamilya sa pagbibigay nila ng suporta kay OJ, especially to my two loving sisters in USA sis Marilyn Cantela Cason & sis Alma Cantela at sa FEU po,” ani Kevin.

“I will do my very best for our flag country,” sabi ng batang OJ Cantela, nanalo rin sa Eugene Torre Chess  Cup,  Chooks to Go National Age Group Chess Championship at Philippine Academy for Chess Excellence Grandfinals. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …