SI NIKA ang pinakamaliwanag na kinabukasan ng Philippine chess.
Ang katotohanang ipinakita niya ang kanyang talento sa mga kamangha-manghang pagtatanghal sa ilang mga tagumpay, ang bansa ay maaaring umasa para sa isang world class na atleta at posibleng makilala at maging kamangha-manghang Chess Grandmaster.
Napatunayang hindi rin mapigilan si Nika Juris sa pangunguna niya sa VCIS – Homeschool Global Chess Team sa 1st Professional Chess Association of the Philippines National Inter School Championship na gaganapin sa mga petsang 8, 9, 15 at 16 ng Hulyo.
Bukod kay Nika Juris, ang koponan ay binubuo nina Woman National Master Antonella Berthe Racasa, Gabriel Ryan Paradero, Andrew at Aron Toledo. Ang coach ng koponan ay si Robert Racasa.
Ipinagmamalaki nina Atty. Nikki De Vega at Atty. Krisanto Karlo Nicolas ang mga pinakabagong tagumpay na ito ng kanilang anak.
“Thank you to our growing village of supporters and prayer warriors, Nika’s coaches Lourecel Ecot, Raul Damuy, MJ Ladrona, Philippine Academy for Chess Excellence led by GM Jayson Gonzales and WGM Janelle Frayna, Pasig City Government, NCFP and the chess parents,” anang proud mother na si Atty. Nikki De Vega, NCFP legal counsel. (MARLON BERNARDINO)