Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Atty Aldwin Alegre AQ Prime FIDE Chess
IPINAPAKITA ng larawan ang AQ Prime Proprietor/President Atty. Aldwin Alegre, dating varsity chess player ng Emilio Aguinaldo College noong College days niya.

AQ Prime FIDE Standard Open Chess tournament nakatakda na sa Hulyo 1

LUNGSOD NG PASIG—Muling susubok ng lakas ng loob ng PH chess ang bawat isa sa AQ Prime FIDE Standard Open Chess Tournament na nakatakda sa Hulyo 1 at 2 sa Robinsons Metro East, Pasig City.
May kabuuang P70,000 na cash prize ang ibibigay sa mga magwawagi sa 6-round Swiss competition sa pangunguna ni AQ Prime Proprietor/President Atty. Aldwin Alegre.
Ang kampeon para sa 2001 hanggang 2399 FIDE Standard Rating ay mag-uuwi ng P10,000, habang ang second hanggang fifth placers ay magbubulsa ng P8,000, P6,000, P4,000, at P2,500, ayon sa pagkakasunod. Ang pang-anim hanggang ika-10 ay tatanggap ng P2,000, P1,500, P1,000, P1,000 at P1,000, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Ang mananalo para sa 2000 at Below ay makakakuha ng P10,000, habang ang pangalawa hanggang ikaapat ay kikita ng P8,000, P6,000, at P4,000. Ang ikalima hanggang ika-10 ay makakatanggap ng tig-P500.
Magkakaroon din ng mga espesyal na premyo na P1,500 para sa top 55 years old and above at para sa top PWD.
Ang top 2 (12 years old and below players birthyear 2011), top 2 (13 to 15 years old players birthyear 2008-2010), at top 2 (16 to 18 years old players birthyear 2005-2007), sa kabilang banda, aangkinin ang digital chess clock.
“SA pagtataguyod ng chess, walang mas mahusay na paraan kaysa sa pagbuo ng sport sa grassroots level sa tulong ng AQ Prime,” sabi ni Atty. Alegre, dating varsity chess player ng Emilio Aguinaldo College noong College days niya.
“Mahalagang makita ang sports bilang isang pagkakataon upang makilala ang higit pang mga chess athletes,” dagdag niya.
Kabilang sa mga unang entry ay sina International Masters (IM’s) Jose Efren Bagamasbad, Angelo Young, Chito Garma, Rolando Nolte, Barlo Nadera, Chris Ramayrat, Ricardo de Guzman, Ronald Bancod, Woman International Master Marie Antoinette San Diego, Fide Masters (FM’s) David Elorta, Carlo Edgardo Garma, Robert Suelo Jr., Adrian Ros Pacis, Noel dela Cruz, Christian Mark Daluz, Christopher Castellano and National Masters (NMs) Edmundo Gatus, Jerome Balico, Nicomedes Alisangco, Lloyd Rubio, Prince Mark Aquino, Jasper Faeldonia, Voltaire Marc Paraguya , Candidate Master Genghis Imperial at Woman National Master Antonella Berthe Racasa.
Ang registration fee ay naka-pegged sa P750 plus P149 proof of payment AQ prime 1 month subscription at aktibong miyembro ng National Chess Federation of the Philippines. (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …