MANILA—Tumapos ang Filipino na si Kim Yutangco Zafra sa 3rd place sa XXIII Torva-Helme chess tournament sa memorium Rein Leppik (Standard Time Control), Linggo, Hunyo 4, sa Estonia.
Ang Europe-based na Zafra ay nagtala ng 5.0 puntos sa account ng 5 panalo at 2 talo sa 7 outings.
Nagtapos siya sa ika-3 pagkatapos ng superior tie-break kina Karl Matias Kokk (ikaapat) at Janis Koops ng Estonia (ikalima).
“I would like to dedicate my victory to my countrymen. It’s an honor to represent our country,” sabi ni Zafra na tubong Novaliches, Quezon City.
Nakuha ni Tonu Rauk ng Estonia ang titulo na may 6.5 puntos na sinundan ng 2nd placer na si Sergei Novikov ng Estonia na nakakuha ng 5.5 puntos.
Ang pang-anim na Maris Koops (4.5 puntos), ikapitong Jun Poltan (4.5 puntos), walong Ulo Lepik (4.5 puntos), pang-siyam na si Vladimir Robaltsenko (4.0 puntos), pang-sampung Urmas Rosental (4.0 puntos) at pang-labing isang Andres Tobre ng Estonia (4.0 puntos).
Nagwagi si Zafra laban kay Kert Raide sa first round, Elmar Uprus sa second round, Karl Mattias Kokk sa third round, Andres Tobre sa fifth round at Urmas Rosental ng Estonia sa seventh round.
Si Zafra ay sumuko kay Tonu Rauk ng Estonia sa ikaapat na round at Sergei Novikov ng Estonia sa ikaanim na round. (MARLON BERNARDINO)
Check Also
Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23
QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …
4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre
SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …
P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV
Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …
Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit
IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …
PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon
HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …