Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imee Marcos Atang Paris

Super ate ng Pangulo pinaiimbestigahan ang temporary housing para sa mga foreign nationals mula Afghanistan

PINAIIMBESTIGAHAN ng super Ate ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na si Senadora Imee Marcos ang napag-alaman niyang kahilingan ng bansang Amerika sa pamahalaan ng Pilipinas na payagan at bigyan ng temporary housing ang mga foreign national mula sa Afghanistan.

Dahil dito inihain ini Marcos ang Senate Resolution 651 na kung saan tinukoy dito isang liham na may petsang Hunyo 5, 2023 mula sa Presidential Management Staff (PMS) na kung saan inoobliga ang mga ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na dumalo sa isang “Technical Coordination Meeting” ukol sa panukalang pansamantalang pabahat sa Pilipinas sa mga  Special Immigrant Visa applicants mula Afghanistan.

Aminado naman si Marcos na wala nang anumang iba pang mga impormasyon ang nakapaloob sa sulat maliban sa general topic, oras at lugar ng pagpupulong.

Nauna dito sinabi ni Marcos na nakakuha na siya ng paunang impormasyon mula sa kanyang sources na bago pa man ang sulat ay nauna nang humiling ang Amerika sa pamahalaan na payagang ang pagpasok at paninirahann ng mga Afghans.

“These foreign nationals, who are allegedly US supporters, will be transported directly into the country from Afghanistan,” bahagi ng pahayag ni  Marcos sa resolusyon..

Tinukoy ni Marcos na sa naganap na pagpupulong noong Hunyo 7, 2023 ay ilang katanungan at paglilinaw ang ginawa ng mga opisyal ng pamahalaan na dumalo.

Sinabi pa ni Marcos na na lubhang nasupresa din ang mga dumalo dahil hindi naging malinaw na tinalakay sa kanila ang programa at plano kaya’t namomobproblema sila kung paano sasabihin ito sa kanilang ahensya t hindi man lamang sila hiningian ng paliwanag at opinyon.

Aminado naman si Marcos na bagamat tapos na ang pagpupulong at kasalaukuyang inaayos ang magiging kasunduan tungkulin pa din ng PMS na isa publiko ang kahilingan ng Amerika at ang ginawag hakbangin ng Executive Department.

Ipinagtataka din ni Marcos na kung bakait dito nais ng Amerika ilagak ang mga Afghans at hindi sa kanilang mismong bansa gayung kaalyado naman nila ang mga ito at ang iba ay maaring empleyado ng Amerika o ng mga kumapnya sa Amerika.

Hindi tuloy nawala ang pagdududa sa mga personalidad at pagkatao ng mga naturang foreign nationals.

“There is a substantial risk that individuals who pose a threat to national security and public safety may be admitted into and housed in the country,”  ani Marcos.

Ipinunto pa ni Marcos na bagamat ang nakalipas na admistrasyon ay mayroong polisiyang tumanggap ng mga refugees mula Afghanistan ngunit kanilang isinasapubliko ang kanilang aksyon. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …