HINILING ni Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang pag-recall sa Maharlika Investment Fund (MIF) bill sa upang mabuting maplantsa at maging malinis ng kongreso ang nilalaman ng panukalang batas.
Ayon kay Pimentel mahalagang maisalba ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na lumagda ng isang maling panukala na magiging isang ganap na batas.
“Recalling the approval of the MIF and returning it to the floor is the sole remedy left for Congress if it is to correct and clarify the discrepancies and ambiguous provisions in the MIF. There is no shortcut,” ani Pimentel.
Ang mga pahayag ni Pimentel ay matapos na mabunyag na mayroong mga errors at double section sa umano’y minadaling aprubahang panukalang batas.
“The consequences of the President signing a bill containing glaring errors can be significant,” babala ni Pimentel.
Sa isang bahagi kasi ng MIF bill sinasaad nito ang 10-year prescription period para sa pagbibigay ng pasura sa ilalim ng panukala samantalang sa ibang bahagi ng panukala naman ay 20-year prescription period.
Sinabi ni Pimentel na ang magka-ibang term at prescriptive periods na makikita sa Sections 50 at 51 ng MIF ay lubhang magkaiba na kailangang liwanagin sa plenary.
Iginiit ini Pimentel ang pagbabalik sa kongreso ay higit na makapagbibigay ng oportunidad upang maging maliwanag, maayos at masagit ang ilang mga katanungan ukol sa panukalang batas.
Binigyang-linaw ni Pimentel na malaki ang posibilidad na magakaroon ng falsification of legislative documents kung itatama ang naturang panukala ng walang pag-abpruba ng kongreso.
“Congress’s imprimatur is needed to rectify the MIF. The discrepancies and ambiguities found in the approved bill cannot be corrected without the risk of falsification of legislative documents,” dagdag ni Pimentel.
Ipinunto ni Pimentel Article 170 ng Revised Penal Code na nagsasaad na maaring patawan ng parusang prision correccional na pinakamataasna parusa at pagmumultahin ng hindi hihigit sa P1,200,000 sa sinumang tao na walang otoridad sa pag-alter ng anumang bill at resolusyon o ordinance enacted o approved o pending approval ng Kongreso o anumang provincial board o municipal council.
Magugunitang kamakailan ay inihayag ni Senate Majority Floor Leader Joel Villanueva na ang usapin ukol sa double sections kaugnay sa prescriptive periods ng krimen sa ilalim ng MIF bill ay tinutuguan na ni Senador Mark Villar na siyang nag-sponsor sa senado ng naturang panukala.
Sinabi ni Villanueva na nanindigan si Villar na ang 10-year prescription period para sa krimen ang siya mismong nakagalay at malinaw sa naturang panukala.
Binigyang-linaw ni Villanueva na sa kasalukuyan ay pinoproseso na ng sekretaryat ang ang [paglilinis at pagsasapinal ng kopya dahil sa mga typographical errors at iba pang clerical errors upang maiwasan ang inconsistencies.
Ngunit agad niyang nilinaw na ang kaniyang tinutuoy na finishing ay hindi nangangahulugan ng pag-amyenda , pagbura at pagdagdag sa mismong bersyong pinasa ng mga senador.
Sa isa panayam sa radyo Villar iginiit nito ang kahalagan ng MIF na bilang dagdag na kapital at daan upang lalo pa tayong makahikayat nga mga foreign investors sa banas lalo na sa sektor ng inspraktura.
Tinukoy ni Villar na maraming mga dayuhang negosyante ang interesadong mamuhunan sa bansa subalit wala lamang silang makitang paglalagyan ng kanilang mga investment.
“Sa ngayon kasi po, ako po ay galing sa infrastructure sector at marami sa mga projects natin lalo na ang mga big-ticket ay galing po sa Overseas Development Assistance. Yun ang mga loans na galing abroad. Kaya sa pamamagitan ng Maharlika, puwede tayo kumuha ng puhunan galing sa abroad at ang puhunan na ‘yan ay puwede natin gamitin sa ating mga projects,” ani Villar. (NIÑO ACLAN)