Sunday , November 17 2024
Eugene Torre Chess
MAKIKITA sa larawang ito si Asia's First Grandmaster Eugene Torre (kaliwa) katagisan ng isipan si National Master/online Arena Grandmaster Engr. Rey C. Urbiztondo sa isang rare simultaneous chess exhibition.

Kauna-unahang GM ng Asia na si Eugene Torre maglalaro ng chess exhibition sa Ozamis



MANILA—PANOORIN ang ipinagmamalaki ng bansa na unang grand master (GM) ng Asia na si Eugene Torre, na naluklok sa hall of fame, na maglalaro ng sabay-sabay na chess exhibitions sa City Auditorium, Ozamis City, Misamis Occidental sa Hulyo 8, 2023.
Ito’y siniwalat ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Board of Director Engr. Rey C. Urbiztondo nitong Huwebes.
Sinabi ni Urbiztondo na ang “living legend” ay magpupunta sa Ozamis City sa Hulyo 8 na gaganapin ang sabayang exhibition chess matches kasama ang mga piling estudyante at residente ng Misamis Occidental sa pagdiriwang ng 75th Charter Anniversary ng Ozamis na suportado ni Gov. Atty. Henry S. Oaminal Sr., gobernador ng lalawigan ng Misamis Occidental.
Ang natatanging aktibidad ng chess ay magpapakita ng mga mahuhusay na student-player at nangungunang mga woodpusher ng Ozamis City.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na si Torre ay maglalaro ng sabay-sabay na exhibition matches laban sa mga piling estudyante at residente ng Misamis Occidental mula noong unang pagbisita niya noong 2005.
“Kami ay nasasabik. Ang mga mag-aaral at residente ng Misamis Occidental ay sabik na makilala at makalaro pa sa Asia’s First GM Eugene Torre sa sabay-sabay na mga chess exhibition matches,” sabi ni Urbiztondo, isang online Arena Grandmaster, na isa ring Professional Chess Association of the Philippines ‘ team owner ng Mindanao’s Surigao Fianchetto Checkmates at ang Philippine Chess League’s team owner ng Mindanao’s Surigao Diamond Knights.
“Ang Unang GM ng Asia na si Eugene Torre ay ang perpektong pagpipilian upang gawin ang mga bihirang sabay-sabay na eksibisyon ng chess. “Karamihan sa mga kabataan ngayon ay tumitingin sa kanya bilang kanilang idolo,” sabi ni Misamis Occidental provincial governor Atty. Henry S. Oaminal Sr.
Matatandaan na noong nakaraang taon, ang 71-anyos na si Torre ay iniluklok sa World Chess Hall of Fame ng World Chess Federation (FIDE) kaya hindi lamang siya ang unang Pilipino kundi ang unang lalaki mula sa Asya na pinagkalooban ng karangalan.
Bukod sa mga pambihirang simultaneous chess exhibition, magkakaroon din ng 2-day (Hulyo 8 at 9, 2023) chess tournament na tinatawag na Asenso Misamis Occidental National Open Chess Tournament ayon kay Urbiztondo, isang Honorary National Master.
Kukubra ang Open category champion na may lion’s share na P30,000.
Ang ikalawa, ikatlo, ikaapat, ikalima at ikaanim na puwesto ay tatanggap ng P20,000, P15,000, P10,000, P5,000 at P2,000, ayon sa pagkakasunod. Ang natitirang top-10 finishers ay magbubulsa ng tig-P1,000.
Ang elementary category champion, high school category champion at top Misamis Occidental ay tatanggap ng tig P2,000, P3,000 at P3,000, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Ang mga espesyal na premyo ay P1,000 bawat isa para sa nangungunang senior (60 pataas), top unrated at top lady.
Ang pagsuporta sa event na pinangunahan ni Mayor Atty. Henry F. Oaminal, Jr., City Mayor ng Ozamiz City kasama sina Congressman Sancho Fernando F. Oaminal, at ang bagong likhang Misamis Occidental Federated Chess Association.
Ang Tournament Arbiter ay dating board of director ng NCFP na si Atty. Cliburn Anthony Orbe. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …