Monday , December 23 2024
Money Bagman

Pinal na kopya ng Maharlika Investnment Fund Bill isusumite ngayong Linggo sa Palasyo


NAIS ng Senado na maisumite sa palasyo ng Malakanyang ngayong linggo ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, posibleng ngayong linggong ito ay ma-i-transmit na ng Mataas na Kapulungan sa Office of the President ang enrolled bill ng panukalang sovereign wealth fund.

Binigyang-linaw ini Villanueva na wala naman umano siyang nakikitang dahilan para patagalin o ma-delay pa ang MIF Bill hanggang sa susunod na linggo.

Tinukoy ni Villanueva na ito ay urgent at priority measure ni Pangulong Bongbong Marcos kaya naman sa lalong madaling panahon ay ipapadala agad ang MIF bill para malagdaan na ng Presidente.

Binigyang-diin ini Villanueva na kahit wala ngayon ang Senate President ay magagawan naman umano ng paraan para mapirmahan ang panukala sa pamamagitan ng e-signature para agad din ay ma-i-transmit na ito sa Malakanyang.

Sa kasalukuyan ay nasa Senate at House Secretariat ang panukala kung saan ipinapasok ang mga ‘perfecting amendments’ para sa ilang typrographical errors at nadobleng probisyon para sa pagpaparusa ng mga mangaabuso sa Maharlika fund.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …