Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bagong Eat Bulaga 2

Eat Bulaga trending sa mga negatibong komento; Cheat Bulaga raw dapat ang ipangalan 

I-FLEX
ni Jun Nardo

TINUTUKAN last Monday ng mga netizen at sawsaweras ang pagbabalik nang live sa GMA ng Eat Bulaga upang malaman ang bagong hosts, segments, at pakulo nito.

Sina Paolo Contis, Betong Sumaya, at Buboy Villar ang tila ginawang poste sa show. Support lang ang magkapatid na Legaspi –Mavy at Cassy; female group na Xoxo, at si Alexa Miro na nail-link kay Rep. Sandro Marcos.

Trending sa Twitter hanggang kahapon ang Eat Bulaga na sinundan ni Paolo then Buboy, at Betong. Mas lamang ang negatibong komento kaysa positibo, huh!

Eh dahil kay Paolo, ang dapat daw title ng show ay Cheat Bulaga! Nagbibigay siya ng pera pero hindi nagsusustento sa mga anak.

Pero para kay Paolo na aware sa negatibong komento, ang pinakaimportanteng komento na natanggap niya ay mula sa lalaking kapatid.

Masasakit kung tutuusin ang mga comment. Pero wala tayong magagawa dahil nagtatrabaho lang naman ang mga host na ito.

Maaga pa ang laban kumbaga kaya hintayin nating mag-blend sila sa isa’t isa para maipakita ang worth nila bilang kapalit ng dating hosts ng Eat Bulaga.

Pero take note, gamit pa rin ng Bulaga ang APT Studio na balita naming may kontrata pa ang TAPE sa nasabing studio.

Wala namang choice ang manonood at netizens kundi panoorin tuwing tanghali ang Eat Bulaga sa Kapuso Network ayaw man nila o hindi ang hosts at segments ng programa, huh.

Hindi nga pala si Louie Ignacio ang director ng show dahil mukhang hindi nagkatuluyan sa negosasyon. Isang araw lang daw ang naging meeting at hindi na siya binalikan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …