Monday , December 23 2024
Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, isang hakbang na sinang-ayunan nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Senator Francis Tolentino na nagsabing napapanahon na itong palakasin laban sa mga nagbibigay ng maling testimonya.

Ginawa ni Cayetano ang panawagan matapos bawiin ni Jhudiel Osmundo Rivero, isa sa sampung sundalo na pumatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, ang testimonya na ibinigay niya sa imbestigasyon ng Senado sa ilalim ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs na pinamumunuan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

“Ang point ko Mr. President is untenable and unsustainable na ang perjury ay hindi pinapansin sa ating bansa or hindi kasuhan,” sabi ni Cayetano sa plenary session ngayong Lunes, May 29, 2023.

Tinanong naman ni Cayetano si Senador dela Rosa kung papayag itong buksang muli ang imbestigasyon ng Senado na natapos noong May 11, 2023.

“I would like to put on the floor and for our discernment whether or not Senator Bato would be amenable to opening the hearing again. But also if the Committee of Justice would join and focus on laws regarding lying under oath including perjury and contempt,” wika ni Cayetano.

“I’m not saying na walang karapatang bumaligtad ang mga witnesses. Ang point ko, ano’ng penalty nila? Kung nagsisinungaling sila, dapat parusahan sila,” dagdag niya.

Paliwanag ni Cayetano, sa ibang estado sa U.S. ay maihahalintulad ang kasong perjury sa malalaking krimen. Iminumungkahi niya na palakasin ang perjury sa bansa upang magkaroon ng katiyakan na mapaparusahan ang nagsisinungaling sa ilalim ng panunumpa.

“It isn’t really the penalty but the certainty that a case will be filed and that you will be jailed… Hindi pwedeng dito sa Senate ay lalaruin-laruin lang tayo, nagsisinungaling y’ung mga witnesses, or sasabihin three to six years na lang iyan, palipasin na lang itong administration,” sabi niya.

Kaugnay nito nagpahayag ng suporta sina Senate President Miguel Zubiri at Senador Francis Tolentino bilang tugon sa panawagan ni Cayetano.

“I totally agree that we must toughen our laws on perjury. … I am in favor of increasing the penalties and the jail time because it’s becoming a norm now. It’s about time just like in the US that when you give an affidavit, that’s it. When you recant it, perjury charges will be filed against you,” wika ni Zubiri.

Pinasalamatan naman ni Tolentino si Cayetano sa pagtalakay sa isyu. Sumang-ayon din siya na marapat nang pabigatin ang parusa sa perjury. 

“It’s about time that we either amend our rules to make it more strict in so far as the treatment of witnesses acting with malice and malicious intent, and lying in violation of several articles of the Revised Penal code,” sabi niya. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …