HINDI suportado ng isang daang porsyento nina Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, Senador Francis “Chiz” Escudero at Senate Minority Leader Aquilino pImentel, JR. ang kasalukuyang bersyon ng senado panukalang Maharlika Investnent Funds (MIF) na kasalukuyang idenedepensa session floor ni Senador Mark Villar.
Naniniwala sina Marcos, Escudero at Pimentel na samyadao pang malawak ang isinasaad ng naturang panukalang batas partikular ang pondong ilaan dito kung saan talaga kukuhanin.
Iginiit pa ng mga senador na hindi kailangang madaliin ang pagpapasa mng naturang batas sa kabila ng ito ay inihayag ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na isang urgent bill.
Nagbanta din ang mga mambabatas na hinid sila papayag na madaliin ang naturang panukala lalo na’;t nakasalalay din dito ang kinabukasan ng mga susunod na salinlahi.
Aminado pa ang mga tatlong senador na mayroon pang mga katanungang nangangailangan ng kasagutan na hanggang sa ngayon ay hindi pa nasasagot.
Tinukoy din ng mga senador na maging ang ibang mga foreign soveriegn funds ay pawang mga nasa peligro din.
Ipinagtanggol naman ini Senate Majority Leader Joel Villanueva ang naturang panukala na aniya hindi naman nila minamadali subalit tumugon lamang sila sa panawagan ng Pangulong Marcos.
Tiniyak din ini Villanueva na tulad ng ibang mga panukalang batas na kanilang tinalakay ay dadaan sa tamang proseso ang naturanh panukala. (NIÑO ACLAN)