HINILING ng grupo ng mga aktibo at retiradong kawani ng Department of Health (DOH) na imbestigahan ang iba’t ibang uri ng harassment, pang-aabuso, at ‘gulo’ na kinasasangkitan ng isang medical officer ng nasabing ahensiya.
Sa apela ng grupo kina DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire; National Department of Health Employees Association president Louella Jean Lao; Unyon ng mga Kawani ng Kagawaran ng Kalusugan Sentral president Jeffrey Miralles, at maging sa executive committee ng Kagawaran.
Tinukoy ng grupo ang mistulang pagiging ‘troublemaker’ ni Dr. Clarito Cairo, medical officer IV, nakatalaga sa Disease Prevention and Control Bureau,
na sinabing sanhi ng pagkakaroon ng ‘mental and emotional aniexty’ ng kanyang mga staff.
Anila, ang “inappropriate behavior and ‘power harassment’ that has cause excessive office strife” ng nasabing doktor ang nais nilang bigyan pansin ng pamunuan ng DOH.
Mistulang ‘untouchable’ ang nasabing doktor sa kabila ng mga gulo at ‘kalokohang’ ginagawa sa ahensiya.
Ilan sa tinukoy ng grupo sa kanilang apela ang sinabing pakikipagpulong sa pharmaceutical companies; pagbibigay ng maling impormasyon kaugnay sa Cancer control program sa social media na naglalagay sa balag ng alanganin sa ahensiya; ang ‘pakikialam’ kaya nagkaroon ng kaguluhan sa procurement.
Gayondin ang sinabing ‘nagbungang extramarital affair’ sa kanyang dating staff.
Tahimik ang tanggapan ni Cairo sa napabalitang apela ng mga empleyado. (NIÑO ACLAN)