Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joaquin Domagoso

Joaquin nakumbinseng gumanap na transwoman

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAKU, maraming kakabugin ang Sparkle artist na si Joaquin Domagoso na male stars na gumaganap bilang trasnswoman.

Lumabas na transwoman si Joaquin last Saturday sa episode ng Wish Ko Lang titled Babae Ako.

Bihis-babae, may boobs, wig, at pusturang babae si Joaquin. Ang ganda-ganda niya, huh!

Kinumbinse ng manager niyang si Daddie Wowie Roxas si Joaquin na gawin ang role. Umayaw siya noong una dahil baka hindi niya kayanin. Sabi ni Daddie, isipin na lang niya na babae siya kapag sinabihan na siya ng, “action!”

Pasado naman si Joaquin at may lalim din ang pag-arte niya gaya ng ama niyang si Isko Moreno na gumawa na ng ganitong character sa drama na Lovingly Yours, Helen.

Mas mabibigat at nakaiiyak na eksena pa ang gagawin ni Joaquin sa part 2 ng episode niya ngayong Sabado sa Wish Ko Lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …