ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng baril ay nakasalalay sa paglaki ng populasyon ng mga edukado at responsableng may-ari ng baril.
Sinabi ni Senador Ronaldo ‘Bato’ Dela Rosa na kaisa siya sa adbokasiya ng Association of Firearms and Ammunition Dealers, Inc. (AFAD) sa paglaban sa loose firearms, gun safety at responsableng pagmamay-ari ng baril.
“Dapat patuloy nating turuan ang ating mga netizen tungkol sa pagmamay-ari ng baril. Ating ipropagate ng husto ang responsible gun ownership. Kung lahat tayo ay magiging responsable, mas marami ang magiging miyembro ng ating society na may-ari ng baril hindi lang mga simpleng hobbyist at sportsmen. Pag ganito, hindi magiging mahigpit ang gobyerno sa mga manufacturer at importer mas maganda para sa industriya,” ani Dela Rosa sa maikling mensahe sa pagbubukas ng 29th AFAD Defense and Sporting Arms Show nitong Huwebes sa SMX Convention sa Pasay City.
Kinikilala ni Dela Rosa ang kontribusyon ng industriya ng armas hindi lamang para sa paglikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino kundi maging sa paglago ng ekonomiya sa pangkalahatan.
“Ilang mangagawa ang nakikinabang sa industirya na ito? Mula sa paggawa ng piyesa, accessories and paraphernalia. Yung mga importer natin hindi biro ang naibabayad nilang tax. Kung gumaganda ang industriya susunod ang ekonomiya,” ani Dela Rosa, na ang pamilya ay kilalang sports shooting campaigner.
“Ang aking sariling anak na babae at ang aking manugang ay parehong champion shooter. Kaya kayong masasamang loob na nagbabalak, ayusin ninyo at may paglalagyan kayo,” pabirong pahayag ng dating Philippine National Police (PNP) Chief in jest.
“Sa isang seryosong isyu, kailangan nating magtulungan sa isa’t isa, kailangan nating magkaisa at ilagay ang ating makakaya upang matulungan ang industriya na lumago, maging matatag at makatutulong sa pagbuo ng bansa,” dagdag niya.
Ang pangulo ng AFAD na si Alaric Topacio ay nagpapahayag ng kanyang mainit na pasasalamat kay Dela Rosa, iba pang mambabatas at iba’t ibang ahensyang nagpapatupad ng batas sa patuloy na pagsuporta sa industriya at pagtulong sa lokal na tagagawa at importer.
“Nangunguna sa misyon ng AFAD ay turuan ang bawat Pilipino hindi lamang ang mga hobbyist, sportsman at private gun owners kung paano maging responsableng may-ari ng baril. Mula sa isang grupo ng nagbebenta ng baril, ang AFAD ay nagiging isang asosasyon na naglo-lobby ng mga panukalang batas upang lumikha ng batas na kapaki-pakinabang sa lahat ng mga stakeholder,” diin ni Topacio.
Idinagdag ni Topacio na bukod sa mga karaniwang aktibidad sa pag-renew ng mga lisensya at aplikasyon para sa mga bagong rehistradong may-ari ng baril, nag-aalok ang AFAD ng mga seminar tungkol sa kaligtasan ng baril, pagtatanggol sa sarili, seguridad, at responsableng pagmamay-ari ng baril.
Ang limang araw na kaganapan na tatakbo hanggang Lunes (Mayo 29) na nag-aalok ng malalaking diskwento sa produkto mula sa mga exhibitors tulad ng Stronghand Incorporated, Final Option Trading Corporation, Force Site Inc, Lynx Firearms and Ammunition; Tactical Precision Trading, Armscor Shooting Center, Defensive Armament Resource Corp., Topspot Guns and Ammo, Lordman Leathercraft Guns and Ammo, True Weight, Tactics SOG Industries Inc., Trust Trade, at PB Dionisio and Co., Inc.
Kasama rin sa palabas ang Tactical Corner Inc, Squires Bingham Intl./Armscor, Shooters Guns and Ammo Corp., Nashe Enterprises, Willi Hahn Enterprises, Metro Arms Corporation, R. Espineli Trading, Imperial Guns, Ammo & Accessories, Lock and Load Firearms at Sporting Goods, Pascual Gun Works, Metro Sporting Arms Show, Santiago Fiberforce, Jordan Leather at Gen. Mdse, Magnus Sports Shop, Speededge, Inc, Greyman Elite, Inc., Bonanza/Icarus Shirts, CBX Trading at General Merchandize, bukod sa iba pa. (Hataw Sports)