I-FLEX
ni Jun Nardo
BIBIYAHE patungong Amerika si Vilma Santos-Recto para bisitahin ang kanyang mga kapatid ngayong June hanggang early July.
“Almost 5 years ‘di kami nagkikita coz of d pandemic. Bawi kami sa bonding pagpunta sa US!!
“Reading a lot of scripts para sa susunod ko na gagawin after ng movie namin ni Boyet.
“So happy am back sa family ko sa showbiz!!! Blessed too doing commercials. Thank God.
“Will see you face to face sa promo! Excited!!! Thanksssss Jun N!!!” text sa amin ni Ate Vi nang kumustahin namin.
Habang hindi pa umaalis, forcus muna sa movie nila ni Christopher de Leon na When I Me You In Tokyo si Ate Vi doing post production at promotions.
As of this writing, nakatakda siyang gumawa ng isang TV commercial nang i-text namin.
Dama namin ang love ni Ate Vi na sumasagot sa bawat text namin.