Wednesday , May 14 2025
Roderick Nava Kamatyas Chess Club
Photo: MAKIKITA sa larawang ito si International Master Roderick Nava, co-founder ng Kamatyas Chess Clubr

9th edition ng Kamatyas FIDE Rated Rapid Chess Invitational Tournament pupunta sa Mindanao


MAYNILA—ANG pinakamalaki at pinakaprestihiyosong kompetisyon ng chess sa bansa na tinaguriang “Center Pawns”, —ang 9th edition ng Kamatyas FIDE Rated Rapid Chess Invitational Tournament —ay magsisimula sa Hunyo 17 sa Ace Center Point sa Koronodal City, South Cotabato.
Sinabi ng Co-Organizer na si G. Joselito Dormitorio na ang pagdadala ng Kamatyas FIDE Rated Rapid Chess Invitational Tournament ay inaasahang makakaakit ng mas maraming turista at “makakatulong sa pagpapabuti ng mga sektor ng kabuhayan at turismo sa Koronodal City at sa buong South Cotabato.”
Ang kaganapan na ginawa rin posible nina International Master Roderick Nava at G. David Almirol, co-founder ng Kamatyas Chess Club ay nagtampok ng mga manlalaro ng chess mula sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao.
“Ito ang una namin sa Koronodal City (Kamatyas FIDE Rated Rapid Chess Invitational Tournament) at hindi ito ang huli. We’re planning to do more chess tournament in the future,” ani Dormitorio.
“Dinala namin dito ang pinakamahusay sa mga pinakamahusay upang ipakita na ang aming mga manlalaro ng chess sa Mindanao dito ay may kakayahang makipaglaban sa mga kalaban na nakabase sa Manila pati na rin ang Luzon at Visayas.” dagdag niya.
“Patuloy na lumalago ang komunidad ng chess sa bansa dahil sa patuloy na pagpapalakas ng mga chess tournaments na tulad nito. Sana ang mga ganitong kaganapan ay makapagbigay inspirasyon sa mas maraming kabataan upang hikayatin silang pagbutihin ang kanilang mga kasanayan sa chess.” huling salita ni Dormitorio.
Ang 15 minutes plus 5 seconds increment time control format ay mag-aalok ng P30,000, P10,000, P7,000, P5,000 para sa first, second third at fourth placers habang ang fifth hanggang 10th placers ay tatanggap ng P2,000 bawat isa.
Idinagdag ni Dormitorio na sa susunod na araw (Hunyo 18), magkakaroon ng Executive Chess Tournament at Youth Under 16 event na iho-host ng Philippine Executive Chess Association sa ilalim ng bagong pamunuan. Papalitan ni G. Joselito Cada si Dr. Fred Paez bilang bagong presidente ng PECA. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …