Monday , April 14 2025
Sudan

Senador umaasang ligtas na maiuuwi ang natitirang Pinoys sa Sudan

SA kabila ng kagalakan at pag welcome ng bawat isa sa pag-uwi ng ibang mga Filipinong nasa bansang Sudan na apektado ng kaguluhan ay umaasa siyang maiuuwi pa ng ligtas sa bansa ang mga natitirang Filipino doon.

Ayon kay Poe pinapupurihan niya ang mabilis na pagkilos at pagtutulungan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Worker (DMW) upang agarang makakuha ng borader pass para sa ating mga kababayan.

Tiwala din si Poe sa pamahalaan na gagawin ang lahat lahat nito upang matiyak na maiuuwing sa kani-kanilang pamilya ang ligtas ang ating mga kababayang Filipino na nasa bansang Sudan pa hanggang sa kasalukuyan.

Iginiit ni Poe maigi na ang maagap na paglikas mula sa kaguluhan upang kanilang makasama ang kanilang mga pami-pamilya ng ligtas.

Nauunawaan ni Poe ang mahalagang malaking kita para sa ating mga kababayan abroad subalit kailangan ding tiyakin naman ng pamahalaan ang kanilang kaligtasan lalo na sitwasyong katulad sa Sudan.

Umaasa din si Poe na nakahanda ang pamahalaan para sa pagbibigay sa kanila ng livelihood program, ibang pagkakakitaan at sumailalim sa isang training skill na nais nilang upang makakuha ng maayos na trabaho o kabuyahan.

Binigyang-diin ni Poe na  mahalaga ang hanapbuhay subalit walang kapalit ang buhay at kaligtasan ng bawat isa.   (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Alan Peter Cayetano

Cayetano sa mga SK leader  
Magtrabaho para sa tunay na pagbabago

HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano noong Sabado ang mga chairperson ng Sangguniang Kabataan (SK) …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

041425 Hataw Frontpage

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

HATAW News Team DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, …