Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jersey Marticio

Jersey Marticio nanguna sa GMG Youth Chess Challenge sa Mayo 20

PAPANGUNAHAN ni Jersey Marticio ng Cabuyao City, Laguna ang mga malalakas na kalahok sa pagtulak ng GMG Youth Chess Challenge 15 years old and below tournament sa Mayo 20, Sabado, 9am na gaganapin sa 2nd floor Open Kitchen Foodhall, Rockwell Business Center, Sheridan Street sa Mandaluyong City.
Ang 15-year-old Marticio na Pulo National High School Grade 10 student, na nasa gabay nina sportsman Dennis Hain, at Dr. Fred Paez, ang hihuhulmang paborito sa seven-round Swiss system tournament matapos ang kanyang magnificent performance sa National Age Group Chess Championship  Grand Finals sa Dipolog City, Zamboanga del Norte at National Youth School Chess Championship Eliminations sa Himamaylan City, Negros Occidental.
May total pot prizes P25,000 ng nakataya sa FIDE rated rapid event na punong abala si Thailand based coach NM Gerald Ferriol sa pakikipagtulungan ng Balinas Family, Mam China Aurelio at Mam Mimi Casas ng Open Kitchen at Hongkong national player Sunny Lo.
Inorganisa ng Bayanihan Chess Club at sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines na limitado sa 180 kalahok.
Ang iba pa pang maagang nagpatala ay sina Frank Stephanie Engles, Kyler Marin Camonias,  Saimon Jess Contreras, Ken Samue Dela Cruz, Windale Tan, Marco Viniel at Delia Marie Penaverde,  Pollux Caleb Reyes, Ronell Jose Co,  Jose Pio Caro, Dice-Lee Delubio, Lly Meyou Espinosa, Ae-Lee Carline Martisano, John Timothy Navarro, Aria Sophia Paras, Mateo Antonio Pascua, Ma. Louise Yzabelle Penaverde, Chesca Mae Perang, Jaeden at  John Michael Urbina.
Ang Registration fee ay P500. No Onsite Registration. Limitado sa 100 player paid participants ang makatatangap ng Food voucher worth P100.
Ipadala ang payment thru gcash number 09613396015 (Jolina Icao). (MARLON BERNARDINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …