MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para katawanin ang Filipinas sa 3rd Mini Penang Chess Open 2023 na iinog sa 24-28 Abril na gaganapin sa Methodist Boys School ACS Union sa Penang, Malaysia.
Si Marian Calimbo, 20 anyos, isa sa top players ng PCAP Cebu Niños (dating Cebu Machers) ay kompiyansa na mapagaganda ang kanyang chess ranking. Nais niyang makapagdala ng karangalan sa kanyang hometown Cebu at sa Filipinas.
“I hope that I will finish with a positive score in this event (Penang, Malaysia) and gain some (Elo) rating points,” sabi ni Calimbo na ipinagmamalaki ng ‘Richessmasters’ (RCM), isa sa most active chess association sa South.
Ang iba pang notable players mula Philippines na lalahok ay sina IM Ronald Bancod, FM Nelson Villanueva, FM Christopher Castellano, FM Robert Suelo Jr., NM Jose Aquino Jr., NM Ariel Potot, NM Almario Marlon Bernardino Jr., Mohamad Sacar, Kimuel Aaron Lorenzo, Paul John Lauron, at Elvis Longjas.
Ipapatupad ang 9 Round Swiss System na may time control 90 minutes plus 30 seconds increment.
Ang 5-day FIDE rated event ay inorganisa ng Penang Chess Association sa magiting na pamumuno ni president See Swee Sie, nakataya ang 2,500 Malaysian Ringgit sa magkakampeon. (MARLON BERNARDINO)