Sunday , April 6 2025
Robin Padilla Bongbong Marcos

Robin ‘di magmamakaawa kay Marcos para sa Cha-cha

WALANG balak makipag-usap o magmamakaawa si Senador Robinhood “Robin” Padilla kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., upang baguhin ang desisyon na suportahan ang pagbabago ng ating Saligang Batas o Charter change (Cha-cha).

Ayon kay Padilla hindi sakop ng ehukutibo ang lehislatura kung kaya’t hindi siya dapat magpasakop dito.

Binigyang-linaw ni Padilla, bilang chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, mayroon siyang tungkulin sa taong bayan na dapat gampanan at hindi siya dapat magpasakop sa Pangulo.

Binigyang-diin ni Padilla, kung hindi siya pinuno ng komite ay maaari pa siyang makipag-usap sa Pangulo ukol sa usapin ng Cha-cha.

“Siguro kung ‘di ko committee and revision and amendments, puwede ko gawin ‘yan, pero dahil ako ang chairman di kaya ng prinsipyo ko. Hindi ko kaya, para sa akin legislation ito. ‘Di ko kailanman matatanggap na kailangan akong mag-bow na hind isa mandato niya. ‘Di ko magagawa, sorry. Pag nagmano ako kay Presidente, para mong sinasabi sa ilalim kami ng executive,” ani Padilla.

Magugunitang ipinahayag ni Marcos, hindi prayoridad ng kanyang administrasyon ang Cha-cha o pagbabago sa Saligang Batas at maging si Senate President Juan Miguel Zubiri ay sinabing hindi ito prayoridad ng senado.

Sa kabila nito, inirerespeto ang pannaw na ito ng Pangulo at maging ni Zubiri ngunit naninindigan siyang ipagpapatuloy niya ang mga pagdinig ng komite ukol sa isyu.

Umaasa si Padilla sa kanyang mga kasamahang senador na susuportahan ang kanyang gagawing committee report na tanging economic provision ang nais niyang maamyendahan upang umangat ang ating ekonomiya at masolusyonan ang inflation sa bansa.

Tiniyak ni Padilla, sa sandaling mabitbit niya sa plenaryo at mapagdebatehan ang kanyang magiging report ay lubusan na siyang masaya.

Aminado si Padilla, mahirap maisulong at makakuha ng suporta sa mga senador ang panukalang Cha-cha dahil maging noong panahon ni dating Senate President Aquilino Pimentel, Jr., ay naisulong na rin ito ngunit hindi nagtagumpay.

Naninindigan si Padilla, sa huli ay makokombinsi niya ang kanyang mga kasamahang senador sa magiging committee report batay sa mga opinyon, pananaw, paniniwala, at ninanais ng mga resource person na dumadalo sa bawat pagdinig o konsultasyon ng kanyang komite.

Target ni Padilla, matapos ang pagtalakay dito sa Agosto upang maisabay sa Barangay at SK elections ang pagsasagawa ng plebisito upang makatipid ang pamahalaan at hindi na gumastos kung magkakaroon ng hiwalay na plebisito. Sa halip ang magiging budget dito ay maaring itulong sa mga kababayang nangangailangan ng tulong lalo ang mga senior citizens.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …